Mission 18: Hide and Seek

6.2K 168 2
                                    

Pagkatapos kong mag target shooting ay pinuntahan ko na sina papa at kuya para magpaalam,gusto ko na kasing umuwi pinayagan naman nila ako kaya umuwi na ako.

(Terrence's POV)

"Ms. Salas!"

"Present!"

"Ms. Serallo!"

"Present!" Nasa klase na ako ngayon,at chinicheck nung prof namin yung attendance namin.

"Ms. Torres!" Narinig kong tinawag ng prof namin yung apelyido nya "Ms. Torres!" Pag uulit nito.

"Absent po sir!" Absent? Kaya pala kanina ko pa sya hindi nakikita. Bakit kaya sya absent? Dahil kaya sa  nangyari kagabi? Imposible

Hanggang sa matapos na ang klase hindi ko pa rin sya nakita kaya nga ng makita ko si Paulo nilapitan ko sya kahit labag sa kalooban ko.

"Paulo,right?"

"Oo! Ikaw si Terrence diba?"

"Ako nga! Nakita mo ba si Alex? Hindi kasi sya pumasok sa klase namin"

"Hindi eh! Hindi din kasi sya pumasok sa klase namin,ang sabi ni Denisse masama daw ang pakiramdam nito kaya hindi daw nakapasok"

"Ganun ba? Sige salamat!"

Nang damating na ang oras ng uwian namin,nagmadali akong umuwi sa apartment at tinignan kung nandoon sya sa loob ng unit nya.

"Alex!? Alex! Nandyan ka ba?" Kumatok ako at idinikit ang tenga ko para malaman ko kung nandoon ba sya sa loob pero wala akong narinig na kung ano man.

Wala siguro sya sa loob? Nasaan kaya sya? Pumasok na muna ako ng unit ko at nagpalit ng damit,umupo ako aa couch para hintayin ang pagdating nya. .

"Ang tagal naman nyang dumating" sabi ko sa sarili ko.

Mayamaya pa nakarinig ako na parang may nagbubukas na sa pintuan sa labas kaya agad akong pumunta sa pinto at binuksan para kumpirmahin ang hinala ko at hindi ako nagkamali sya nga.

Nagulat naman sya ng makita ako. At parang biglang lumungkot yung mga mata nya?

"Kararating mo lang?" Pagbasag ko sa katahimikan

"Oo eh" matipid nyang sagot.

"Hindi ka pala pumasok"

"Oo sumama kasi ang pakiramdam ko,sige! Pasok na ako"

"Te-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na sya sa loob at sinarado ang pinto.

Wala na akong nagawa kaya pumasok na ako ulit sa unit ko,siguro galit sya sa akin dahil naoffend sya sa sinabi ko noong nakaraang gabi kasalanan mo to Terrence eh! Bakit mo ba kasi tinatago ang feelings mo sa kanya? Ano bang kinatatakot mo?

(Alex's POV)

Hindi ko na pinatagal pa ang pag-uusap namin kasi ayoko ng madagdagan pa yung mga problema ko at mga iniisip ko. Nagulat talaga ako kanina ng lumabas sya sa unit nya, na para bang kanina nya pa ako hinihintay imagination ko lang siguro yun!

Nagulat ako ng magvibrate yung cellphone ko,si Paulo tumatawag.

Sinagot ko agad ang tawag nya.

"Oh Pau? Napatawag ka?"

"Kakamustahin lang sana kita,ok ka na ba?"

"Oo ayos na ako! Salamat!"

"Mabuti naman!"

"Yun lang ba? Ibaba ko na to ha?"

"Teka lang nagkita na ba kayo ni Terrence?"

"Bakit? Anong meron sa kanya?"

"Hinanap ka nya sa akin kanina,at ang sabi ko naman na kaya hindi ka nakapasok kasi masama ang pakiramdam mo tapos kaninang uwian nakita ko sya na nagmamadaling umuwi"

"Ganun ba? Oo nagkita na kami kanina"

"Ahh mabuti naman! Sige ibaba ko na to! May gagawin pa ako eh!"

"Sige bye!" Pinatay ko na yung cellphone ko.

Hindi kaya kaya sya nagmamadaling lumabas ng unit nya dahil kanina nya pa ako inaabangan? Hindi kaya ganun na nga? Hayy.. Terrence pakiramdam ko nalikipaglaro ako ng taguan sayo,taguan ng feelings kasi sa palagay ko gusto na kita.

          ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon