Mission 9: Visitor

8.2K 202 3
                                    

Walang ginawa si Denisse at Paulo kundi ang kulita at tanungin ako tungkol kay Terrence,kesyo daw alam ko ba ang pinapasok ko,paano daw kami nagkakilala. Kaya ako heto dikwento naman ng mga ditalye sa kanina.

Marami din naman akong nalaman tungkol kay Terrence,anak pala sya ng isang business tycoon,at may isa syang kapatid na lalaki at pareho pala kami na wala ng ina. Biruin nyo yun?

Bumalik na kami sa room para malaman ang resulta ng exam namin kanina..

"Uy! Kinakabahan sya!" Sabi ni Terrence sa akin sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ano ba! Kinakabahan saan?"

"Sa resulta ng exam kanina!"

"Hindi no!" Sabi ko sabay irap sa kanya,ang totoo naiilang ako sa kanya mula nung gabing yun.

"Confident huh!?" Sabi nya sabay ngiti ng bahagya.

Mayamaya pa ay dumating na ang prof. hawak yung mga test papers namin.

"Hindi ko inaasahan ang resulta ng test nyo at ang hindi ko inaasahan pa pala ang makakakuha ng pinakamataas na marka" pagkasabi nun ng prof nagkaroon ng bulungbulungan at kumosyon sa room.

"At ang syang nakakuha ng pinakamataas at perpektong marka ay si Ms. Maria Alexis Torres!"

Sino daw? Ako? Tumayo ako para kunin ang test result,nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko at nakita o si Terrence na ngiting ngiti.

Inextpect ko na dapat to,pano nagpatulong ako sa mga agents. Umupo na ako at nagpatuloy yung prof sa pag-aanounce ng mga scores.

"Husay ah! Kaya pala confident ka kanina na mataas yung makukuha mong marka,at hindi lang mataas Perfect pa kamo! Anong sekreto ha?" Sabi nya sabay taas baba ng dalawang kilay nya.

"Connection" lah! Ano ba yung nasabi ko! >_<

"Connection?" Paano ba to? Kasi naman Alex eh! Nadulas ka pa!

"Ahm.. Oo connection! Internet connection! Research research din pag may time!" Pagpapalusot ko.

"Ahh ok! Susubukan ko yan next time"

Hayy salamat lusot! :D lesson learned wag masyadong madaldal!

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon