Mission 37: Forgotten Mission

5.3K 132 5
                                    

Marami akong nalamang bagay tungkol kay Terrence kahapon at Oras naman ngayon para malaman nya yung sa akin.

Pumunta muna ako sa headquarters para makibalita,at sunduin sina Kuya at Papa,kakain kasi kami sa labas kasama si Terrence. Kumatok ako sa pinto at pumasok.

"Commander!" Sumaludo ako kay papa.

"Oh? Anong ginagawa mo dito Agent Alex?"

"May misyon po kasi ako dito commander!"

"Misyon? Dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Opo! Misyo ko pong sunduin kayong tatlo nina first at second lieutenant! Nagyaya po kasing lumabas yung boyfriend ko sir!"

"Boyfriend?" Nakangiting sabi ni papa.

"Yes sir!" Tumayo si Papa at tuwang tuwang niyakap ako.

"Sa wakas! Hindi pala tomboy ang anak ko! May boyfriend na sya!"

"Sino ang may boyfriend ha?" Pumasok si kuya Philip kasunod si Kuya Ryan.

"Ikaw ba yun Agent?" Mapang-usisang tanong ni Kuya Philip. Tumango nalang ako at ngumiti.

"Hala? Buti may nagkamali sayo no?!" Pang-aasar ni Kuya Ryan.

"Grabe kayo sa akin ha!?"

"Ano bang meron at naparito ka? Bukod dun sa balita mo ngayon?"

"Nagyaya kasing kumain sa labas si Terrence,oo nga pala! Tatawagan ko lang sya para malaman ko kung nasaan na sya" lumabas ako ng opisina ni papa at pumunta ng comfort room.

Pagdaan ko sa comfort room ng mga lalaki may narinig akong nag-uusap at parang narinig ko ang pangalan ko sa pag-uusap nila.

"Nandyan daw yung anak ni Commander Torres?"

"Oo nga eh! At ang balita pa,dadating daw mamaya yung nobyo nya na nakilala nya sa school na pinapasukan nya"

"Tsk! Kung ano ano ang inaatupag imbis na hanapin ang captain,inuna pa yung paghahanap ng boyfriend!"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon