Mission 32: Tournament

5.7K 145 2
                                    

Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Sya na yata yan! Ayos lang kaya tong suot ko? Binuksan ko na yung pinto at iniluwa nito ang lalaking mahal ko,si Terrence.

"Are you ready?"

"Sa tingin ko?"

"Oh bakit?"

"Ayos lang ba tong suot ko? Parang mukha naman kasi akong ewan eh!"

"Hmm..jeans,sneakers,casual t-shirt perfect! Ikaw na ikaw talaga yan!" Napangiti nalang ako sa sinabi nya. "Don't worry,kahit naman anong isuot mo maganda ka pa rin! At kahit maging ano ka pa mahal pa rin kita!"

"Hilig mo talaga yang pambobola eh noh?! Tara na nga!" Umalis na kami at pumunta sa lugar kung saan gaganapin yung event. Habang naglalakad kami papunta sa kotse nya tinitignan ko ang maamong mukha ni Terrence.

Kapag nalaman mo bang hindi ako yung ordinaryong babaeng nakilala mo,tatanggapin at mamahalin mo pa kaya ako? Paano kapag nalaman mong hindi lang ako basta estudyante sa paaralang pinapasukan mo,tanggap mo pa rin ba yung pagkatao ko? Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko at isa lang ang paraan para malaman ko ang kasagutan yun ay ang sabihin na kay Terrence ang katotohanan.

Nang makarating kami ni Terrence,marami ng tao pero hindi pa nagsisimula yung tournament,kaya nagpaalam muna ako na pupunta ako sa comfort room.

Tinawagan ko agad ang mga agents para papuntahin sila dito.

"Hello agents? Oo nandito na ako,sige magmadali kayo at malapit ng magsimula" agad akong lumabas ng cr at bumalik na dun sa open stadium.

Hinanap ko si Terrence at nakita ko syang nakaupo kasama sina Pau at Denisse malapit sa unahan.

"Alex saan ka galing?"

"Nagcr lang para atleast bago magsimula hindi na abala yung pagpunta ko dun!" Pagpapalusot ko.

"Ayaw talang may mamiss huh?" Pagdududang tono ni Paulo.

"Syempre naman!"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon