Mission 1: Lost

23.7K 475 23
                                    

(Alex's POV)

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko si Kuya Philip pala yung tumatawag 'bakit kaya?' agad ko itong sinagot...

"Hello"

"Agent 1 pinapapunta tayo ni Commander Torres sa headquarters,ngayon na!"

"Ha!? bakit daw?"

"May emergency daw, it is an urgent matter kaya kaylangan nating pumunta agad"

"Ok First lieutenant! papunta na ako!"

Sinuot ko na agad yung uniform ko at pumunta na ako sa headquarters..Ako si Maria Alexis Torres pero mas kilala ako sa tawag na Alex o di kaya'y Agent 1.

Tama ang pagkakarinig nyo isa akong agent,dapat ay first year college palang ako pero accelerated student ako kaya maaga akong nakatapos ng pag-aaral,pagkatapos ko ng college ay pumsok ako agad sa NBI kung saan commander ang Dad ko 'Tama ang nabasa nyo na ang commander na tinutukoy ni kuya kanina ay ang papa ko'

Lahat kami ay nasa ganitong field pati ang mga Kuya ko,si kuya George ay Captain,si kuya Philip naman ay First lieutenant,si kuya Ryan naman ay Second lieutenant at ako naman ay agent..

Pagdating ko sa Headquarters ay naabutan kong nanadoon na sina kuya at Papa kaya agad akong sumaludo sa kanila..

"Commander! nandito na po ako!"

Pag nasa duty kami hindi namin tinatawag ang isa't-isa ng Anak,Kuya,papa o ano pa man kaya nga minsan nasanay na kami na ganito ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

"Mabuti naman at nadito na kayong lahat"

"Pero sir wala pa po si Captain!"

"Yan na nga ang pag-uusapan natin ngayon,naalala nyo naman siguro na ipinadala si Captain George sa isang misyon pero ang masamang balita ay hindi pa sya nakakabalik hanggang ngayon kagaya ng nangyari sa iba pang mga agents na ipinadala sa misyong ito"

"Commander sinubukan nyo na po bang ipahanap sya sa mga agents natin?"

Sabi ni Kuya Philip na halatang-halata ang pag-aalala sa kanyang mukha..

"Sinubukan na namin pero hindi talaga sya matrace ng team,kaya kayo nandito dahil baka matulungan nyo kaming hanapin at matuntun kung nasaan ang kinaroroonan nya"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon