Mission 34: The most awaited answer

5.9K 140 1
                                    

Kahit nagulong-gulo ako,sinamahan ko si Alexis sa paghahanap nya hanggang sa makalabas na kami ng stadium may nakasalubong kaming dalawang tao teka? Yung dalawang yun yung kasama ng papa at mga kapatid nya sa ospital ha? Nagkatinginan kami at halatang nagulat silang makita ako.

"I'm sorry Agent Alex pero hindi na namin sya nakita" sabi nung lalaki.

"It's ok Agent K,at least we try our best to capture him!" Malungkot na sabi ni Alexis Agent? Agent sila? At ganun din si Alexis?

"Bakit mo nga pala sya kasama?" Tanong nung babae.

"Unfortunately nakita nya ako kanina,habang hinahanap ko si Snake Head,siguro ito na rin ang oras para sabihin ko sa kanya yung totoo kong pagkatao"

"Totoong pagkatao Alexis?"

Sumakay na kami ng van at habang bumibiyahe kami pauwi,ipinaliwanag na sa akin ni Alexis ang lahat. Ang pagiging police nya,at ang misyong hanapin ang kumuha sa kuya nya.

Kahit na naguguluhan pa rin ako,tinanggap ko nalang ang lahat. Noong una ko palang kasi syang nakilala at nalamang Torres ang apelyido ng pamilya nya,nagkaroon na ako ng hinalang may kakaiba sa kanya. Kaya pala pamilyar ang pangalanf George Torres yun ay dahil kinikilala syang Captain ng kapulisan.

Nang makarating kami sa apartment nakita kong hindi pa pala nagagamot ang sugat nya at dumudugo pa rin ito. Kanina pa sya tahimik at malungkot siguro iniisip nya na baka hindi ko sya matanggap.

"Halika sa loob,gagamutin ko yang sugat mo!" Hinila ko sya sa loob ng unit nya at pinaupo sa kama.

"Ok lang ako Terrence! Kaya ko naman na to eh!"

"Kaya kaya ka dyan! Nasaan na ba yung first aid kit mo dito?"

"Nandyan sa cabinet sa itaas!" Kinuha ko yung first aid kit at tumabi sya kanya,itinaas ko ang manggas ng damit nya.

"A-aray!" Sumagi yata yung tela sa sugat nya.

"Sorry! Mabuti pa magpalit ka muna ng damit para mas maayos kong malinisan yang sugat mo" Tumango nalang sya at pumunta sa cr,pagkalabas nya nakasuot na sya ng sando at pajama.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon