"Congrats!"
"Congrats din sa inyo!"
"Congratualations Terrence!"
Graduation na ngayon ni Terrence, Pagkatapos kasi ng mga nangyari pinagpatuloy nya ang pag-aaral at nagshift sya ng course gusto nya kasi mapa-impress si papa kaya kumuha din sya ng criminology.
Ewan ko ba sa kanya kung bakit pagkatapos ng mga nangyari gusto nya pa ring pasukin ang field ng criminology,siguro dahil gusto nyang tularan si Kuya George.
"Congratualations Terrence!" Sabay tapik ni Papa sa balikat nya.
"Salamat Papa" pinanlakihan ko sya ng mata Papa ka dyan! "I mean Sir!"
"Congrats My Knight! Makakasama ka na namin sa serbisyo!"
"Oo nga pagbutihin mo ha!?" Sabi ni kuya Philip sa kanya.
"Makakaasa po kayo! Mababantayan ko na si Alexis ngayon" sabi nga sabay akbay sa akin.
"Bantay bantay ka dyan! Ano ako bata!?" Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko.
"Hindi naman sa ganun! Pero syempre kailangan kitang bantayan,baka kasi maagaw ka sa akin ng iba mahirap na!" Sabi nya sabay ngisi.
Ilang linggo pagkatapos nun ay magsimula na sa serbisyo si Terrence,napromote naman si Kuya Philip na isa ng Captain ngayon at si Kuya Ryan naman ayun First Lieutenant na at syempre sino pa ba ang Second Lieutenant,syempre walang iba kundi ang Knight ko si Terrence.
Bago pa lang sa serbisyo pero nagpakitang gilas agad sa paghuli ng masasamang loob at pagsasakatuparan ng mga misyon nya kaya ayun! Lieutenant na ang loko.
Habang tinitignan ko ang mga lalaki ng buhay ko at nakikita ko ang mga achievements nila,pakiramdam ko walang nawala at walang kulang,nakakatuwa silang pagmasdan.
(Third Person's POV)
Mahalagang araw to para sa kay Terrence.Ngayong araw kasi sya magpopropose kay Alexis,madami na silang pinadaanan at sigurado na sya na si Alexis ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huling hininga niya.
Kinustaba nya sina Denisse at Paulo para bihisan si Alexis ng isang magandang damit para importanteng araw na ito, pinapunta niya agad ito sa isang restaurant na nireserved nya para sa kanila.
Takang taka naman si Alexis sa nangyayari ang alam nya kasi ay may date lang sila ngayon pero nagtataka sya kung bakit walang tao sa buong restaurant. At napalalamutian itio ng mga pulang rosas at may mga nakasabit na pictures sa mga ribbon na nakahang.
Pictures nilang dalawa,puro pictures nila na magkasama,maiiyak na sana sya ng biglang namatay ang ilaw at nagsimulang magplay ang isang video sa isang malaking flat sceen t.v at nagsimulang ng magplay ang slideshow na sinabayan ng isang isang kanta.
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
ActionSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...