Mission 49: A new chapter starts

6.3K 129 2
                                    

"Wifey ang tagal mo naman yata dyan?"

"Hubby sandali lang ha!? Konting hintay nalang!" Oh my gosh! Ano bang gagawin ko? O ano bang dapat kong gawin? Kinakabahan ako! >_< si Denisse kasi eh! Tatanong tanong pa!

Nasa Cr ako ngayon at tinitignan ang sarili ko sa salamin,nakasuot ako ng night dress na niregalo sakin ng bruhang yun. Alexis! You can do it! Mga bala nga hindi mo sinukuan ito pa kayang bagay na to?

Lumabas na ako ng cr at nakita ko syang nakahiga habang hawak yung cellphone nya at nilapag nya ito at lumapit sa akin.

"What took you so long?" Sabi nya sabay hapit sa bewang ko papalapit sa kanya dahilan para mas lalo pa akong kabahan.

"A-ah eh kasi..ano.." Ngumisi sya at muling nagsalita.

"Alam ko na! Kabado ka no?"

"Kasi naman..hindi ko alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon,ano nga bang kailangan kong gawin?"

"Wala kang ibang dapat gawin kundi ang isuko mo ang sarili mo..sa akin" hinalikan nya ako at habang tumatagal ay naging marahas ang halik na iyon. Dahan dahan nyang ibinaba ang katawan ko sa kama.

At nangyari na ang dapat na mangyari,buong gabi naming pinagsaluhan ang pagmamahal namin para sa isa't-isa.

(A/n: Sorry kung may ibang nadisappoint sa inyo readers! ^_^ hanggat maari kasi ayoko munang lagyan ng *ehem* bed scenes to! Bawi nalang si Author sa Book 2 promise! labyahhh!! :* )

9 months later...

"Hubby!! Manganganak na ako!!"

"Ha!? Sige tara na dadalhin na kita sa ospital!" Kinarga ako ni Terrence at isinakay sa kotse. In a short period of time nakabuo na agad kami at ngayon nga ay isisilang namin ang munti naming anghel.

"Hubby!! Bilisan mo! Pumutok na yung water bag ko oh!"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon