Mission 7: Date?

9K 224 6
                                    

(Alex's POV)

Hassle naman oh! Kapit-bahay ko pala ang mokong na to,at nagpalibre pa hindi ko naman alam hindi manlang tuloy ko nalapagbihis ng maayos! Teka?! Bakit ba? Ok lang naman tong suot ko ah? Atsaka pakialam ko sa iisipin nya?

Mayamaya pa ay sinabayan nya ako sa paglalakad..

"Ang bilis mo naman.." Sabi nya habang nakangiti hindi ko tuloy mapigilang titigan sya.

"Ah,eh kailangan eh!" Sabi ko sabay bawi sa tingin ko.

"Bakit? May hinahabol ka ba?"

"Oo hinahabol ko ang oras" seryosong sabi ko hinahabol ko ang oras kasi kapag hindi ko to nahabol baka mawala sa akin si kuya

"Haha grabe sobrang seryoso mo naman! Oras pa talaga ang gusto mong habulin ha? Mahihirapan ka nyan!"

"Edi kakayanin ko,bakit ikaw? Hindi ka ba naghahabol sa oras?"

"Hindi! Kasi hinahayaan ko ang oras ang humabol sa akin at kapag huminto ako natural hihinto rin sya!"

"Buti ka pa..paano ba mapahinto ang oras?" Huminto ako sa paglalakad at huminto din naman sya at tinignan ako. Sumeryoso bigla ang mukha nya.

Bigla nya akong hinawakan sa braso at tinitigan mata sa mata,pakiramdam ko nanlalamig ako at huminto ang mundo ko sa ginawa nya,unti unti syang lumapit sa tenga ko at..

"Oh diba tumigil ang oras mo?!" Sabi nya sabay ngiti at bitiw sa akin. Nauna na sya sa paglalakad at ako naman ay naiwang nakatayo doon at pinipilit pang intindihin ang nangyari ano daw? Sira ulo yun ah!

Mayamaya pa ay lumingon sya sa akin at.

"Oh!? Ano? Sino naman ang hinihintay mo ngayon dyan? Don't tell me Pasko? Matagal pa yun!" Sabi nya sabay tawa ng malakas.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon