Mission 23: Realization

11.5K 168 2
                                    

Nang makarating ako sa apartment na tinutuluyan namin papasok na sana ako ng makita ko ang pintuan ng unit ni Alex. Napabugtong hininga nalang ako. Get well soon Alex..

Pumasok na ako sa loob at ibinagsak ang katawan ko sa kama nang may maramdaman akong matigas sa pantalon na suot ko. Kinapa ko ito at kinuha kung ano ito. Yung cellphone pala ni Alex nakuha ko kanina nung nakita ko sya sa eskinita.

Kinalikot ko ito at tinignan ang call logs,nakita kong may 15 missed calls galing sa akin at isang unregistered number ang tumawag kanina kung kailan kinokontak ko sya kanina.. Kanino kaya tong number na to?

(Alex's POV)

Nandito ako ngayon sa ospital kasama ko sina kuya at papa,hindi nga sila mapakali sa kakaasikaso sa akin eh!

"Papa,kuya! Ok na po ako!"

"Ok ka dyan? Eh halos mag-agaw buhay ka eh!"

"Aray! Ang sakit sa tenga kuya ah!?"

"Tumigil na kayo dyan!" Saway ni papa habang pinagbabalat ako mansanas.

"Papa,kuya! Paano nyo po nalaman yung nangyari sa akin?"

"Tinawagan kami nung anak ni Mr. Fortunado,Si Paulo ba yun?" Sagot ni papa.

"Ahh.."

"Alam na nya pala yung tungkol sa misyon mo? Yung lalaking nagsugod sayo dito sa ospital alam na rin ba nya?" Tanong ni Kuya Philip.

Si Terrence yata yung tinutukoy nya, naalala ko yung sinabi nya kanina nung magising ako pero hindi nya yata alam na gising na ako nun kasi kung alam nyang gising ako panigurado hindi nya sasabihin ang mga bagay na yun.

(Flashback)

Nagising ako nang may naririnig akong boses sa tabi ko..

"Alex sorry..kung hindi ko lang sana pinairal ang pride ko edi sana hindi ka na humantong sa ganito,ikaw naman kasi eh lagi kayong magkasama ng mokong na yun hindi mo na alam na naseselos ako?"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon