Mission 39: False Accusation

5.2K 133 4
                                    

Naalimpungatan ako at naramdaman kong medyo nahihilo ako,sinubukan kong igalaw ang kamay at paa pero nakatali pala ito sa upuan. Nasaan ako? Si Sapphire! Sya siguro ang may gawa nito! Inilibot ko ang paningin ko medyo madilim tanging isang bumbilya lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid.

Hanggang nahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakayuko at nakatali rin ang paa at kamay katad ko. Si Sapphire yun! Pero ang akala ko sya ang nagpatulog sa akin kanina?! Kung ganun hindi si Sapphire ang nagtangka sa buhay ko kundi sya! Tama nga ako!

"Sapphire! Sapphire! Gising!" Mukhang tumalab naman ang pagtawag ko sa kanya at nagising naman sya.

"Ouch! My head! Alexis? Nasaan tayo? At bakit tayo nakatali?"

"Hindi ko alam kung nasaan tayo Sapphire pero alam ko kung sino ang may pakana nito!"

"Who?"

"Si Snake Head!"

"Snake Head? Who the hell he is? Is this a kind of prank or something? May hidden cameras ba dito? Ok guys! You win let us go now!"

"Totoo to Sapphire at mag kutob ako na malapit na nating makaharap si Satanas!"

(Terrence's POV)

Aray! Ang sakit ng ulo ko! Langya! Sino ba ang pumukpok sa ulo ko!? Pagkadilat ko ng mata ko nagulat ako sa nakita ko,hindi ako nag-iisa sa kwartong to. May kasama akong lalaking duguan at gulagulanit ang damit.

Nasaan ba kami? At sino ang lalaking to? Nakatali ang paa at kamay ko pero nagawa kong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sir? Gising! Buhay ka pa ba?" Inangat nya ang mukha nya at kahit duguan ito,nakikilala ko kung sino sya kilalang kilala. "Captain George Torres!?"

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?"

"Ako na ang sasagot sa tanong mong yan George!" Biglang lumiwanag ang silid dahil may nagbukas ng pinto. Hindi ko maaninag ang mukha nga dahil sa liwanag na nagmumula sa labas.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon