Mission 44: Despair

5.3K 130 1
                                    

Ting! Ting! Ting!

Dinig na dinig sa buong simbahan ang tunog ng kampana. Masasaya ang mga tao ng pumasok ako sa pinto ng simbahan,mga ngiti ang nakapinta sa kanilang mga labi.

Ilang buwan na din ang nakakalipas mula noong araw na yun,marami na ang nangyari pero masaya ako ngayon dahil mahalagang araw to para sa pamilya ko at para na rin sa akin syempre.

Naglakad na ako sa aisle ng simbahan at habang dumadaan ako nakita ko ang pamilya ko at ang iba pa naming kamag-anak na nakangiti sa akin,nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang upuan kung saan ako nakatakdang maupo.

Ikakasal kasi ang Kuya Ryan ko sa babaeng nakatakda para sa kanya,at ako ang kinuhang bride's maid nina Kuya Ryan at ate Shaina. Mabuti naman at nagseryso na tong kuya kong chick boy at nagdesisyon na syang lumagay sa tahimik.

Magmula din kasi nung nagyari yun kay Kuya George napag-isip-isip nya na life is too short kaya yun nagseryoso din ang loko sa wakas. Nagsimula na ang ceremony at nagpalitan na sila ng vows sa isa't isa. At inilagay ang singsing sa daliri ng bawat isa.

"And now! I pronouce you as husband and wife,you may now kiss your bride" isang matimyas na halik ang iginawad ni Kuya sa kanya.

Napakasaya nilang tignan,nakangiti sila at kita ang kislap sa mga mata nila. Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa,pinangarap ko din ang makasal katulad nila noon pero hindi ko alam kung pwede pa rin yun ngayon. Pinunasan ko ang bumagsak na luha sa mga mata ko.

Lumapit ako kayna kuya para batiin sila. "Congratualations Kuya Ryan and Ate Shaina! Best wishes!" Nakangiti kong sabi.

"Salamat Bunso!" Sabi ni kuya sabay pisil sa pisngi ko.

"Thank you Alexis!"

"Oh tara picture na!"

Masaya kaming nagpicturan at pagkatapos nun ay pupunta na kami sa reception.

"Pa! Sandali lang po ha? Mauna na po kayo sa sasakyan!"

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"May importante lang po akong gagawin!"

"Sige ija! Bilisan mo ha!?"

"Opo.." Pumunta na sina papa sa sasakyan at naiwan naman ako,nagsindi ako ng kandila at nagdasal.

Panginoon sana po maging maligaya si Ate Shaina sa kuya ko,gabayan mo po silang dalawa. Panginoon sana..sana magising na po sya,pabalikin nyo na po ang lalaking pinakamamahal ko,diyos ko pabalikin nyo na po si Terrence sa akin. Bigyan nyo pa po ako ng tibay ng loob at pag-asa..pag-asang babalik pa sya sa akin,kasi habang tumatagal para unti-unti ng nilalamon ng dilim ang pag-asa ko. Nagsign of the cross na ako at pumunta sa sasakyan.

Isang malalim na bugtong hininga ang binitiwan ko bago kami umalis sa simbahan.

Habang papalayo kami ng simbahan tinatanaw ko ito at pilit pinapalakas ang loob ko at sinsabing Pagbalik ko sa simbahan na yan,kasama ko na ang taong mahal ko!

(A/n: Sorry short update readers don't worry babawi si author next time! :) promise! Kung may tanong kayo just PM me or comment down! Open din po ako sa mga suggestion nyo,kung anong magiging ending nito! Thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta! Labyouu much! Enjoy sa UD!)

          ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon