Sabay na kaming bumalik ni Paulo sa loob,ipinangako nya sa akin na hindi nya ipagsasabi kahit kanino ang sikreto ko. Tuwang tuwa nga sya at ngayon daw kasali na sya sa misyon ko akala nya ba laro lang to? Kaya sinabi ko sa kanya na kung sakaling magkagipitan ay wag na wag syang makikialam..
"Ah Pau pupunta lang ako ng banyo ha?"
"Sige hihintayin nalang kita dito"
"Wag na! Mauna ka ng pumasok!"
"Sige" kumaway na sya at nagpaalam,ako naman pumunta na ng cr,kanina pa kasi ako naiihi pinipigilan ko lang.
Pagpasok ko ng cr agad akong pumasok ng cubicle at nagbawas,lalabas na sana ako ng may biglang pumasok at nilock yung pinto. Binuksan ko ng kaunti yung pinto ng cubicle ko para silipin kung sino yung pumasok. Si Denisse!
Parang kinakabahan sya habang dinadial yung cellphone nya.
"Hello? Papa?" Nanginginig ang labi nyang sabi sa kausap nya sa telepono.
["Denisse! Gaano katagal mo ng hindi sinasabi sa akin ha!?"] Sagot sa kanya mula sa kabilang linya. Dinig na dinig ko dahil sobrang lakas ng boses nito at halatang galit na galit.
"Sorry po papa! Hindi ko naman po intensyon na ilihim sa inyo" mangiyak ngiyak na sabi ni Denisse. Sino kaya yung kausap nya? Teka? S-si Snake Head na kaya yun?! Pinag-igihan ko pa ang pakikinig sa usapan nila,chismosa na kung chismosa pero ito lang ang paraan para mahanap ko si kuya.
["Sakit ka talaga sa ulong bata ka! Humanda ka sa akin pag nakauwi ka dito!"] Sa sobrang lakas ng boses nya daig pa ni Denisse ang nalaloud speaker
"Sorry po talaga Papa,Ako nalang po ang saktan nyo papa wag na po sya!"
["At bakit? Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para hindi ko gawin yun!?"]
"Mabait na tao po sya papa!Maniwala po kayo!"
["Mabait? Eh ilang linggo pa lang kayong nagkakasama ha!? Paano mo nasabing mabait sya!? Hindi ka nakakasigurado Denisse baka tuklawin ka nalang nya!]
Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kung ganon Pinagtatanggol ako ni Denisse sa papa nya?
"Hindi po Papa! Iba po talaga sya sa lahat ng nakilala ko! Ipinagtatanggol nya po ako!"
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
ActionSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...