Kung ano ano pa ang sinabi nya pagkatapos nun,kesyo daw super duper close sila ng 'Rence' nya dati,lagi daw nilang sabay gawin ang lahat ng bagay at kung ano ano pa. Nakakarindi na pakinggang.
Hindi nagtagal ay bumalik na si Terrence sa upuan namin.
"Alexis oh! Kain ka na! Masarap yan! Ito naman ang sayo Sapphire!" Binigyan nya kami ng magkaparehong pagkain at kapareho din ng binili nyang pagkain.
"Wow! Ito pa rin pala ang paborito mong kainin! Thank you Rence"
"Walang anuman"
"Naalala ko noon,paborito natin tong sabay na kainin,remember?"
"Ah oo, Alexis hindi ka pa ba kakain?"
Nawalan na ako ng gana kakapakinig sa sinasabi nya kaya tumayo nalang ako " Hindi na! Pau samahan mo ko! May pupuntahan tayo!" Agad namang tumayo si Paulo.
"Teka hindi ka kakain? Hindi ba makakapaghintay yan?"
"Eenjoy nyo nalang yan,hindi na kasi makakapaghintay yung kailangan kong gawin eh! Kaya maiwan na namin kayo ha!?" Hindi na ako makakapagtimpi pa!
"Ako na ang sasama sayo!"
"Ah hindi na nakakahiya sa transferee" Hinila ko na si Paulo at naglakad na kami palayo sa kanila.
Nang makalabas na kami ng canteen pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.
"May pupuntahan ba talaga tayo o nagdahilan kalang dahil sobrang nagseselos ka na?"
"Ano? Hindi ah! Meron naman talaga,tara na nga!" Ang totoo wala naman talaga hanggang sa maisip ko na iparesearch sa mga cover agents ko ang lahat ng tungkol kay Sapphire.
Nagkakapagtaka lang kasi na bigla bigla syang lumipat kung kailang 3rd sem na. Atsaka hindi lang naman to tungkol sa selos,wala kasing pwedeng pagkatiwalaaan sa misyon na to.
Pumasok na kami sa van, at agad na ipinaresearch ang tungkol kay Sapphire.
"Agent ito na!" Masiglang sabi ni Agent K.
"Sapphire Castillo is the only daughter of Mr. Arman Castillo the owned 10 hotels in the Philippines, and her mother named Cecile Castillo is also a reknown dermatologist, Sapphire is famous because of her exellence in archery and golf " pagbabasa ni Agent R.
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
AçãoSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...