CHAPTER 6

445 22 0
                                    

Chapter 6

****

"Panginoong Poseidon!!! May naka pasok pong Babae sa ating portal papunta sa ibabaw ng lupa!!" Pag babatid ng kawal sa akin. Umpisa pa lang my naramdaman na akong kakaiba . hindi ko nga lang mabatid kung ano yon. Yun naman pala my naka pasok na mortal.

Napatayo ako sa aking trono. Saka seryosong inutusan ang aking kawal (shokoy or merman) "dalhin mo ko sa kanya!! Ngayon din!!" Utos ko sa aking kawal.

***

Ariel's POV

"Ariel!!! My nakarating na balita!! " pag babatid sa akin ng aking ate na si shella, mas matanda siya sa akin ng 5 taon ako kasi ay menor edad pa , samantalang siya eh 21 years old na kaya nakaka pag lakad lakad na siya sa ibabaw ng lupa. Lumapit ako sa ate ko na puno ng excitement. Curious kasi ako sa mundo ng mga tao.



"Ano yun ate shella!!" Tanong ko Kay ate shella, kumuway kuway pa ang aking buntot sa excitement.

"My naka pasok sa ating portal papuntang sa ibabaw!!" Si ate shella! "Hulaan mo kung ano?" Balik ulit na tanong nito sa akin. Ako naman lalong na excite.

"A-ano yon ate!! Lalaki ba?" Ako hindi ko talaga maiwasan ang kilig. Napa lobo ang pisngi ni ate ibig sabihin na inis. Alam ko kasing nasaktan si ate shella sa nangyari sa kanya sa mundong ibabaw.

"Ano kaba Ariel!! Edi syempre Babae!! Aishh!!" Naiinis o natatawang sabi ni ate shella .
Napa tango na lamang ako.
Biglang my pumasok sa aking isip kaya hinila ko si ate shella.
Nagtaka naman si ate shella habang hawak ko ang kanyang kamay saka lumangoy , iniiwasan namin ang mga tinik at iba pang korals sa paligid hanggang sa huminto kami sa likod ng malaking koral na dingding, nag taka si ate shella pero nawala din saka nag salita.

"Bakit mo ko dinala dito!!, kung Curious ka!! Na makita yung babae , edi pumunta ka . andoon naman ang amang hari natin!",mahabang paliwanag niya sa akin. Alam ko naman yon
Kaso nga lang , gusto kasi kasama siya ,

Natanaw namin ang amang hari na si Poseidon na papunta sa sagradong kweba. Kung saan ang portal. Pagka pasok ni ama naiwan naman sa labas ang merman na taga pagbantay sa palasyo.

****

King Poseidon POV



Pagka pasok ko sa loob ng aking sagradong silid , tinaas ko ang aking bastong ginto at sumarado ang malaking pinto ng sagradong silid. Sa silid na ito ipina pasok ko ang mga anak Kong nasa tamang edad para maka tungtong sa ibabaw ng lupa.

Pero ang nakaka pag taka , papaanong my naka pasok na mortal sa aming portal papuntang Atlantic deep ocean . ang kastilyong ito ay nasa pinaka ilalim ng dagat. Nasa pinaka ilalim ng Atlantic deep ocean. Gumawa ako ng portal papuntang mortal upang maayos na makaka pag gala ang mga katulad naming merman, pero sa tamang edad lamang.

Inilagay ko kasi ang portal sa isang lugar na tago, yung madalang pinupuntahan ng mga foreign, at iba pang tao . naisipan Kong ilagay sa morong. Madalang kasing may mga tao doon, pero hindi ko aakalaing my naka pasok.

Lumapit ako sa bilog na salaming tubig na animoy aquarium pero ang totoo niyan iyon ang portal na ngayon ay my naka form na mermaid ,Hindi na siya tao. Kabilang narin siya sa amin. Tinitigan ko ang bawat angulo ng kanyang mukha at katawan.

-slim
-matangos ang ilong
-sa tingin ko eh singkit siya
-makipot na labi
-mahabang buhok na alon alon
-maputi

Saka ka tingin ko , napansin ko ang pag dilat ng kanyang mata.











******

Liezels POV

Nang maka lusong na ako sa tubig , bigla akong hinigop sa loob na iyon , kala ko kamatayan ko na , pero nang naramdaman ko na para akong nakakahinga ay unti unti Kong idinilat ang aking mga mata. Napa buga ako ng hangin , dahilan ng pag labas ng lobong tubig sa aking bibig ng mabungaran ko ang malaking mukha sa aking harapan.

"Whaaaaaaaa!!!! Halimawww!! " sigaw ko, "ohh !!" Nag taka ako nakaka pag salita ako sa tubig.  Napatingin ako sa harap ng mag salita ang lalaking estranghero.

"Taong lupa , Papaano ka naka pasok sa sagradong silid na iyon(ang tinutukoy ay ang cave pool)" dumadagundong na pahayag ng malaking taong sereno sa akin.

Ako naman nangilabot, sa sinabi ng lalaki. Sa tingin ko hari ito. Kasi my korona siya at my malaking gintong tinidor sa kamay, nanlaki ang mga mata ko ng my bigla akong naalala.
"Hi-hi-hindi ka-kaya siya si?" Hindi ko nanaman natuloy ang sinabi ko ng mag salita siya ulit.

"Inuulit ko taga lupa papaano ka naka pasok!!!" Poseidon

Tumaas balahibo ko sa batok, wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang lahat.  Sinabi ko sa kanya ang lahat kahit nanginginig ako. Pero tumango tango lamang siya , saka ko lamang napansing parang magka dikit ang aking mga paa, hindi ko maramdaman na Magka hiwalay kasi iyon. Kaya napa tingin ako.


Nan laki ang mata ko,
"Ahh!! A-anong nangyari sa mga paa ko!! Ba-battt -batt!! Naging buntot ng isda!!" Tyaka sino ho kayu!! " nanginginig Kong tanong sa matandang lalaki. Mabuti nang itanong ko sa malaking mama, Malay ko baka Mali lang ako ng iniisip.


Bumuntong hininga ang matandang lalaki saka nag salita.
"Dapat hindi ka lumusong! Once na lumusong ka sa tubig na iyon at saktong kabilugan ng buwan, ikaw ay magiging kabilang sa amin!! , Ako ba? Ako si king Poseidon!!" Sa sinabi niyang iyon ay  saka nag dilim ang paningin ko.








































A/N: hi guys I hope na magustuhan nyo po ito.
Thanks

My Secrets of being a MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon