Chapter 20Kinabukasan maaga akong bumangon sa aking higaan, pag ka tayo ko ay agad Kong tiniklop ang mga kumot at unan tyaka inayos ang aking sarili, hindi na ako nag abala pang tumingin sa salamin. Saka nag dire diretsong bumaba sa hagdanan papuntang kusina, konti lang kasi naka in ko ka gabi kaya ngayon kumakalam na naman yung sikmura ko.
Pag harap ko sa kusina si inay agad ang una Kong nabungaran kaya pa tamad akong umupo sa paharap sa lamesa , nag tatakang tingin ang unang ibinato sa akin ni inay.
"Anong nangyari sayo anak?.. Bakit may eye bag ka! Dati hindi ka naman nag kaka eye bag ahh?" Nag tatakang tanong ni inay na iki na buntong hininga ko.
"Ohh! Bat ang lalim ng buntung hininga! Mo aber!!, .. Anak! Ano ba nangyari sa una mong pag aaplay sa trabaho mo? Kailan ka ba daw ba mag I start?" Sunod sunod na tanong sa akin ni inay.
Ibubuka ko na sana ang aking mga labi ng biglang tumunog ang aking Tiyan.
Napa tingin sa Tiyan ko si inay. Kaya napa tawa na lang kami.
"Hahaha!! Anak.. Wait lang ipag hahanda kita ng pag kain , at pagka tapos mo ay sabihin mo sa akin kung naka pasok kana sa trabaho mo hah!" Sabi ni inay habang nag sasandyok ng kanin at ulam.Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Siguro dapat na malaman ni inay ang trabaho ko.
Sana hindi siya magalit, total naman mataas ang suweldo na matatanggap ko, napa balik ako sa reyalidad ng naibaba na ni mama ang kanin sa harap ko, lalo akong ginutom ng maamoy ko ang pinangat na galunggong.
Inilapit ko ang ilong ko sa pinangat na isda, "hmmnn!.. Ang sarap naman!! Nay! Mukhang mabubusog ako nito" sabi ko saka nag sadyok ng sabaw ng pangat saka ko nilagay sa kanin.
Subo lang ako ng subo hanggang sa mabusog ako. Ng maubos ko na ang pagkain ko uminom ako ng Isang basong tubig. "Hai!! Sa wakas na busog din!! Salamat po sa pagkain!!" Sabi ko sabay inat.
Ngumiti lang sa akin si inay.Doon ko lang napansin ang oras.
"Inay anong oras na po ba?" Tanong ko Kay inay , nakaka pag taka kasi bakit hindi pa bumababa ang mga kapatid ko.Ngumiti si inay sa akin saka nag salita,"anak 10:00 am na, maagang umalis ate mo! Pina publish niya yung gawa niyang story. Kaya mamayang tanghali pa uwi noon."si inay.
Ako naman nagulat sa sinabi ni inay, so tanghali na pala ako nagising, kaya pala parang gutom na gutom ako, siguro wala na rin si luz maaga kasi pasok noon' college kasi , eh si mark haish,!! Oo nga pala malamang nasa school na yon, at malamang sa alamang, gagabihin na yun ng uwi, model kasi. Tsk!
"Nay si sandy po ba? Nag bukas ho ba siya ng shop niya?"(ang tinutukoy ko ay welding shop) na tawa si inay sa tanong ko na iki na taas ng kilay ko.
"Anak!! Lagi naman nag bubukas ng shop si sandy kailan pa ba yun pumalpak ng pag sasarado?.. Ahh. Noong outing , pero ngayon tuloy tuloy na!!" Masayang sabi sa akin ni inay. Kinabahan ako sa huling binanggit ni inay, ang outing na pinag ugatan ng pag giging Serena ko.
"Ahh! Sorry po naka limutan ko!.. He he" nahihiyang sabi ko. Niligpit ni inay ang pinagkainan. Saka dinala sa lababo. Napa taas ako ng noo at tumingin Kay inay ng siya naman ang mag tanong.
"Nak! Kwento mo naman ang pag aaply mo sa trabaho mo?" Sabi ni inay, na para bang wala lang sa kanya ang pag tatanong. Nag straight ako ng pag upo saka nag isip kung itutuloy ko pa ba ang pag sabi ng totoo.
"Nay!.. Nag apply po a-ko sa Bulacan Ocean park!" Siguro dapat sabihin ko ito Kay inay. Total malalaman niya rin ito , dahil siguradong ikukuwento ni luz, na nakita niya ako sa malaking aquarium , kaya dapat unahan ko na siya,
BINABASA MO ANG
My Secrets of being a Mermaid
FantasyCOMPLETE STORY Rank#03 Simple lang ang aking buhay , trabaho, bahay , . at Tumutulong sa pamilya okay na sana ang lahat. Kaso.... nag bago ang lahat Simula ng mag beach ako. kasama ang mga pamilya at other cousins. outing ika nga , Masaya na san...