CHAPTER 15

308 17 0
                                    

Chapter 15

DARIUS GRAYFORD POV

Ako nga pala si Darius Grayford ang may ari ng D aquatic resort and Ocean park company , tatlo ang pina ngangalagaan ko. Meron akong branch sa manila, Bulacan at Canada , syempre ang main branch ko ay sa manila , sumunod naman sa bulacan and then sa Canada.  Bata pa lang ako sa akin na naka pangalan ang kumpanyang ito. Nang mag edad akong bente uno , sa akin na ipinasa ang pangangalaga sa company. Ngayong 25 na ako , puro pag aasikaso na lamang sa  kumpanya  ang aking inatupag . pero kapag naman naisipan Kong mag bar hoppings at mam Babae ginagawa ko. Pang palipas oras lang naman, kapag araw naka pokus ako sa trabaho, 2 dalawa lang ang mahusay Kong mga mermaid swimmer sila ang nag papalakas ng income sa company kaya nga mataas ang binibigay ko sa kanilang sweldo kasi malaki ang naibibigay nilang kita sa aquatic ocean park.
Malaki ang negosyo na ito, kaya dito lamang ako naka pokus. Minsan nang na sa oras ako nang trabaho ay may dumating sa akin na balita na mahina ang second branch ng aquatic park.

Okay naman ang aquatic resort. Pero ang park kung sa an malalaki ang mga aquarium sa loob at my mga ibat ibang mga isda ang makikita sa loob ng aquarium,  mahina , ang dating ng mga tao ,kokonti lang ang nag pupuntahang mga bata upang mamasyal sa big aquarium ocean park . kahit may ginaganap na mermaid show ay ganon parin, walang pinag bago . nag isip muna  akong mabuti kung bibisitahin ko ang branch na iyon. Bawat branch ay nag hahanap ng babaeng marunong lumangoy under water ,  or pangatlong mermaid para sa show. Pero wala silang makita, lahat nang nag aaply ay palpak , hindi maganda ang performance nila pag dating sa pag langoy. Kaya eto wanted mermaid show .

Iyon ang iniisip ko nang biglang mag ring ang telepono. "Kriiiing!!! Kriiiing!!" Dalawang tunog pa lang ay kinuha ko na ang telepono at pinakinggan ang sasabihin ng nasa kabilang linya

["Anak!!..."]si dad ang nasa kabilang linya. Si dad ay retarded na sa pag susundalo. Maaga kasi siyang nag sundalo kaya sa edad niyang 60 eh nag retarded na siya. Nag tataka ba kayu kung bakit ako ang pinamanahan niya ng company?.
Mamaya na yan , at kakausapin ko pa si dad. Walang gana akong sumagot sa kabilang linya, masyado akong stress sa ginagawa ko, pero sinagot ko pa din si dad.

"Yes!! Dad!! Bakit ho kayo napa tawag?" Sagot ko kay dad, minsan lang tumawag si dad. Kaya sigurado akong importante itong sasabihin niya sa akin.

["Anak!! May naka pag sabi sa akin na mahina raw ang bulacan aquatic park?" ] mahinahon na sabi sa akin ni dad. Alam Kong kahit ganoon ang salita ni dad, nababakas sa kanyang mukha sa kabilang linya ang pagka irita.

Lahat kasi ng branch namin ay malakas , pwera na lamang sa branch ng bulacan. Tumango na lamang ako sa sinabi ni dad. "Sige ho!! Dad! I will check it for you!, pupunta ho ako sa bulacan branch." Napa buntong hininga ako pagka yari Kong sabihin iyon Kay dad. Narinig ko naman sa kabilang Linya ang pag buga ni dad ng hangin. Halatang na I stress din si dad.

Nag iintay pa ako ng konti kung ano pa ang sasabihin ni dad. Pero wala na akong narinig pa sa kabilang linya kaya ako na mismo ang nag baba ng cord ng telepono. Pagka baba ko ng telepono ay saka ko pinasadahan ng tingin ang mga papeles , atpag katapos ay tumingin sa relo.

"May oras pa ako para Maka punta sa bulacan branch." Mahinang kausap ko sa sarili ko. Tumayo ako sa aking upuan saka pumunta sa gilid ng aking desk upang kuhanin ang naka sampay na itim na jacket. "Uuwi na muna ako sa condo ko. At maliligo , siguro mag papahinga muna ako. Ng ilang oras bago mag biyahe " sabi ko , pero sa isipan ko lamang iyon.  Nag punta ako sa condo ko malapit lang sa aking negosyo , mahirap na kapag malayo. Nasa manila kasi ako naka base kaya hindi ko na ina abala pa ang aking sarili sa iba pang negosyo , panay contact lang o tawag kung ano at lagay ng kompanya sa iba pang branch. Tyaka tiwala naman ako  sa dalawang babaeng nag tatrabaho sa company bilang mermaids show.  Yun nga lang hindi mawala ang kanilang pagka sociable sa ibang tao. Mahilig silang mag party, at mag aya, kaya nga umiiwas ako , dahil baka malulong ako sa mga ganyan. Ipinilig ko ang aking ulo sa kakaisip sa dalawang babaeng iyon, kasalukuyan akong naliligo ngayon sa aking bathroom. Naka tayo lamang ako at hinahayaang lumandas sa aking matitipunong katawan ang mumunting lagaslas ng tubig na nanggagaling sa shower.

Pagkayari Kong maligo , nagbihis na ako ng damit pantulog. Maaga kasi akong matutulog ngayon para Maka pag handa sa pag punta sa kabilang branch, ang bulacan, tiningnan ko muna ang orasan sa akin palapulsuhan, "hmmn!! Mukhang may 10 sampung oras ako sa aking pag papahinga!" Wika ko sa akin sarili. Kailangan Kong umalis ng maaga. Kinabukasan para makarating kaagad ako sa aking patutunguhan. Nag inat ako saka tamad na ibinagsak ang aking katawan sa malambot na higaan.
Hinayaan ko na lang ang aking isipan na mag layag sa alapaap. Hindi ko namalayan na naka tulog na ako.

After 10 hours later.

Nag alarm ang alarm clock ko sa tabi ng aking kama. Maingay kaya habang naka pikit ay kinapa ko sa gilid upang patayin iyon, namimigat ang aking talukap ng sulyapan ko ang aking mumunting orasan, "mag a alas kwatro na pala!" Bigkas ko sa ka nag pasyang umahon na sa higaan. Ako nag hahanda sa akin sarili, (pagkain) hindi ko na kailangan ng katulong. Dahil kaya ko naman ang aking sarili.

Mag aalasingko na nang nakalabas na ako ng aking condo. At saka sumakay na nang aking kotse para pumunta sa bulacan. Isang oras din ang naging biyahe ko papuntang bulacan dahil sa tindi ng trapik sa daan kaya, alasais na ako nakarating , alasiyete kasi ang bukas ng branch kaya kailangan maaga ang punta ko.

Papunta na ako ng opisina ng manager ng makita Kong wala pa ito sa loob. Nainis ako dahil wala akong naabutang tao sa loob ng opisina.









Itutuloy....


My Secrets of being a MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon