Chapter 12

46.4K 1K 17
                                    

Antonia's POV

"Ateng, nasaan ka?"

Itinabi ko muna si Edwardo sa gilid ng kalsada bago sinagot ang tawag ni Junior. Nasa kahabaan ako ng kalsada at nagmamaneho ng motor.


"Pabalik na ako ng ospital. Kumusta na si Poppsy? Nakadelihensiya na ako ng pera pambayad sa operasyon."

Galing ako sa bahay ni Raj at nangutang sa kanya ng pera. Nang sabihin sa akin ng cashier kanina ang halaga ng kinakailangan kong bayaran ay muntik na rin akong atakehin sa puso. Ang mahal pala ng diagnostic chuchu na gagawin ni Dr. Achilles sa Poppsy ko! Dalawang procedures daw gagawin ng manggagamot sa puso ni Poppsy at pag-iisahin na raw iyon sa iisang upuan.

Kaya kailangan ko nang maghanap ng pera ora mismo. Pero wala akong ganoon kalaking pera dahil ubos lahat ng suweldo ko pang-tuition at baon pa lang ni Pippa. Hindi pa kasali doon ang panggastos namin sa bahay. May naitatabi ako sa bangko ngunit hindi pa iyon sapat pangbayad sa operasyon na 'yon!

"Tapos na ang procedures kay Poppsy, Te. Andito na siya sa CCU bed. Huwag ka na mag-alala. Halika na dito!"


Napaawang ang bibig ko. Namasa ang luha ko sa mga mata dahil sa nalaman.
"Paano? Hindi pa tayo nagbabayad!"


"Ayos na, Te. Okay na si Poppsy. Hindi na raw natin kailangang magbayad."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala! "Talaga? Sino may sabi?"

"'Yong doctor na kakila mo. Boypren mo ba 'yon? Hinanap ka kanina, eh. Galante ng boypren mo, te, nilibre lahat ang ginawa nila kay Poppsy!"

Natigilan ako. Libre lahat? Bakit nilibre lahat ni Dr. Achilles? May pinaplano ba sa akin ang manggagamot na 'yon? Kinabahan ako.

"S-sabihin mo hindi puwedeng libre! Magbabayad ako!" mariing sabi ko kay Junior.


"Libre na nga raw ,te. Huwag ka ng umagal. Saan ka kukuha ng ganoon kalaking pera, aber?"

"Kay Raj! Umutang ako kay Raj! Kaya huwag mong payagan na ilibre tayo ni Dr. Achilles!"

Naalala ko bigla ang summon na ipinadala sa akin. Kaya ako nagkaroon ng summon dahil kay Dr. Achilles. Nakakapagdudang bigla niyang inilibre ang Poppsy ko sa operasyon samantalang kahahain lang niya ng reklamo laban sa akin. Tiyak na may pinaplano 'yon. Hindi na uso ang ganoon kabait na tao sa mundo ngayon.


"Eh, nakaalis na siya, Te. Kausapin mo na lang bukas. Pero kung ako sa 'yo, te, hayaan mo ng ilibre tayo ng boypren m—"

"Hindi ko siya boyfriend! Sagad sa buto ang galit sa akin n'on!" putol ko kay Junior.


"Bahala ka na nga! Bumalik ka dito at ikaw makipag-usap!" singhal niya sa akin. Kung nagkataong nasa harapan ko si Junior ay baka mabatukan ko siya sa pabalang niyang sagot.

"Papunta na nga ako, 'diba? Inisturbo mo lang ako!" ganting singhal ko sa kanya.

Agad kong pinatay ang tawag saka pinaandar uli si Edwardo. Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang isipin kung ano ang totoong motibo ni Dr. Achilles sa kanyang so called "pagkakawanggawa". Kung pagkakawanggawa nga ang matatawag sa ginawa niyang 'yon.

Anong tingin niya sa akin? Cant afford? Oo, cant afford nga ako pero paano niya nahulaan 'yon? Pero kahit ganoon pa man, hinding-hindi ako magpapalibre sa kanya!
Hindi ko hahayaang mas lalo niyang hamakin ang pagkatao ko! Handa kong ibenta ang kidney at lahat ng laman loob ko, huwag lang akong magkaroon ng utang sa hinayupak na manggagamot na 'yon!

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon