Chapter 34

44.4K 968 69
                                    

Antonia's POV

Imbes na dumeretso sa bahay n'ong dyowa ni Dr. Achilles, nagtungo ako sa Sacred Heart Hospital at dumeretso sa Emergency Room. Hindi ko na kasi nakayanan ang pamimigat ng dibdib ko, para akong hindi makahinga. Hindi 'yon sumasakit pero parang hindi ako makapag-concentrate. Kinakabahan akong may mangyaring masama sa akin.

Tinanong ko sa nurse kung nandoon ba si Dr. Andromeda para sana makalibre ako ng consultation fee pero malas ko, off ang mangaggamot. May pinaghahandaan daw na ball bukas. Bumagsak ang mga balikat ko at piniling huwag na lang munang magpatingin. Saka na lang kapag nagkapera ako.

Akmang aalis ako ng Emergency Room nang biglang may tumawag sa akin.

"Antonia!"

Paglingon ko ay isang guwapong chinito agad ang nakita kong papalapit sa akin. Nakangiti siya sa akin. Parang pamilyar siya. Napilitan akong gantihan ang ngiti niya.

"H-hello..."

"Do you still remember me?"

Nabasa niya iniisip ko.

Napakamot ako ng ulo. "S-sorry pero hindi, eh. Ano nga ulit pangalan mo?"

Kunway nalungkot siya sa sinabi ko. "Aww, how can you not remember me while I'm having a hard time forgetting your lovely face?"

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Nahiya ako d'on a.
"Pasensiya na talaga. Ang dami ko kasing iniisip."


Ngumiti siya ulit. "I'm just kidding. I'm Warren Fong, the one from Dr. Arthur's son's party."


Nagliwanag ang mukha ko. Naalala ko na siya.
"Ah, yes! Yes! That's you! I'm so malilimutin talaga, you know! I have signs of being gurang talaga sometimes!"


Natawa siya. Natawa na rin ako. Mayamaya ay napapangiti na naman siya.
"What brings you here?"

"Wala. Hinahanap ko si Dra. Drew."

"Yeah? Why?"


Nagdadalawang isip ako kung sasabihin sa kanya kasi nakakahiya.
"Atin-atin lang 'to, ha? Gusto ko sanang magpa-check up kaso wala akong datung."

Bigla namang napalitan ng pag-aalala ang mukha niya. "Why? What's wrong?"


Hinawakan ko ang dibdib ko. "Alam mo kasi, masakit dito. Natatakot ako kasi baka inaatake na ako sa puso, hindi ko pa alam. Natatakot akong matulad sa tatay ko na bagong opera lang."

Bigla niya akong hinawakan sa kamay na siyang nagpakislot sa akin.
"Come with me..."

Nagtatakang nagpahila ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang cubicle ng Emergency Room. May bakanteng kama doon at kung ano-anong aparato at tubo. Pinaupo niya ako sa kama saka kinabitan ng cuff sa pagkuha ng BP. Hinawakan niya rin ang pulsuhan ko saka iyon pinakiramdaman.
Mayamaya ay tinawag niya ang isang nurse.

"Maam Karen!"

Lumapit naman ang nurse na tinawag.
"Yes, Doc?"

Doc? Doktor din ang isang 'to?
Tahimik lang akong nakamaang sa kanya.


"Can you give me a hand? Can you please take an ECG for this patient? Take blood samples for cardiac profile," mando niya sa nurse.


"Okay, Doc!"


Bago pa man makaalis ang nurse ay sumabat na ako sa kanilang dalawa. "S-saglit lang! Maghunusdili kayo! Hindi ako pasyente, wala akong pambayad sa mga tests na sinasabi mo, Warren!"


Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon