Chapter 40

50.5K 1K 106
                                    

Antonia's POV

"Para sa matapat, mabait at nuknukan ng gandang sekretarya, mainit-init at malinamnam na puto't kutsinta! Sana mag-enjoy po kayo sa pagkain ng mga 'to, Madam Gina."

Tumaas ang kilay ng Medical Secretary ni Dr. Achilles nang mag-angat siya ng tingin sa dala kung supot sa kanyang harapan. Nagta-type siya ng kung ano sa computer nang dumating ako. Iiling-iling na tinanggap niya ang inabot kong supot saka inilapag sa tabi ng kanyang mesa. Bumuntong-hininga siya saka nagtanggal ng salamin sa mga mata bago ako hinarap.


"Alam mo, Tonia, kahit araw-arawin mo akong purihin sa kagandahan ko at pakainin ng masasarap na luto mo...hindi ko pa rin sasabihin sa 'yo kung nasaan si Dr. Achilles,
sa kadahilanang hindi ko naman talaga alam kung saan nagsuot ang batang 'yon! Bakit 'di mo kaya subukang puntahan sa bahay ng girlfriend niya kaysa guluhin mo ako dito?"

Napanguso ako. Eto naman si Madam Gina, ang agang sinira ang araw ko. Masigla pa naman akong pumunta doon sa klinika ni Dr. Achilles dahil feeling ko nakukuha ko na ang loob ng matandang 'to. Inaraw-araw ko kasing kinakaibigan si Madam Gina para sabihin niya sa akin kung saan nagtatago ang magaling kong amo.

Mag-iisang linggo na akong pinagtataguan ng isang 'yon. Mag-isa akong natutulog sa condominium niya. Minsan nga'y natulog ako doon sa kama niya. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas nakatulog na naman ako sa ipinagdadamot niyang kuwarto. Kaso sa tuwing natutulog ako doon, hindi ko mapigilang maiyak.

Namimiss ko na kasi ang isang 'yon. Amoy na amoy ko ang pamilyar na amoy niya sa buong kama. Ang buong kuwarto niya, parang nararamdaman ko ang presensiya niya. Sa tuwing nagluluto ako ay sadyang nagtitira ako ng pagkain para sa kanya. Nagbabasakali akong uuwi na lang siya bigla. Hindi ko tuloy mapigilang mahulog na naman sa kalungkutan.

Alam ko namang 'yong nangyari sa amin ay pareho naming ginusto. Walang naagrabyado dahil hindi naman ako pinilit. May mahal siyang iba at hindi ako 'yon. Wala akong karapatang masaktan o maglungkot-lungkutan. Pero hindi ko pa rin mapigilang umasa. Ganoon yata talaga ang nagmamahal. Alam kong kulelelat ako, umaasa pa rin.

At  ang isa pa sa ipinagtataka ko, ang dami na ng pera ko sa bangko n'ong isang araw. Si Dr. Achilles daw ang depositor. Bakit niya kaya ako pinadalhan nang maraming pera? Iyon na ba 'yong suweldo ko na ipinangako niya? Pero bakit sobra-sobra naman?

"Eto naman si Madam Gina, o! Hindi ba puwedeng tinuturing lang kitang kaibigan kaya kita binibigyan ng mga kakanin ko?" kunway sabi ko sa matanda.

"Tantanan mo ako, Tonia. Pareho lang kayo ng galawan ng mga babaeng nahuhumaling d'yan sa amo ko."

Nagkunwari akong nagulat.
"Binibigayan din nila kayo ng puto't kutsinta?!"

"Hindi! Susyalan kaya bigayan ng mga 'yon, nagmamaldita nga lang. Pero sa inyong lahat, sa 'yo lang magaan ang loob ko..."

Napangisi ako. Umapir ako sa matanda.
"Sabi ko na, eh. Magkakasundo talaga tayo, Madam Gina!"

"Kuu...bata ka, alam ko namang ineechos mo lang ako!"

"Hindi kaya! Magaan talaga loob ko sa inyo. Para ko na kayong Tita."

"Asus! Sinasabi mo lang 'yan. Loka ka rin, eh. Buti natipuhan ka ng amo ko, eh, sanay sa mga susyal 'yon. Mga artista at mayayamang babae dine-date ng batang 'yon. Anong nakain niya't pumatol sa 'yo?"

Bigla akong napasimangot. Ang galing din talagang mag-trigger ng insecurity ang matandang 'to. Mag-amo talaga sila ni Dr. Achilles.

"Aray ko naman, Madam! Ang sakit n'yo namang magsalita. S-siyempre nasarapan 'yon sa mga puto at kutsinta ko kaya nahulog ang loob sa akin," pagsisinungaling ko.


Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon