CHAPTER 2

63.6K 1.4K 92
                                    

Antonia's POV

"Ang init! My ghad! Tunaw ang Silka Papaya ko sa balat!" atungal ko sa kaagitnaan ng trapiko.

Panay ang paypay ko sa sarili gamit ang aking kamay. Tagaktak na ang pawis ko sa katawan. Kasalukuyan akong naiipit sa matinding traffic habang sakay sa aking pinakamamahal na motorsiklong si Edwardo. Oo, pinangalanan kong Edwardo ang aking motorsiklo kasunod ng pangalan nang namayapa kong Lolo na si Edwardo Dimaculangan.

Mahilig kasi sa motor ang matanda noong kabataan niya at lagi niya akong inaangkas doon tuwing siya ay rumoronda. Pulis din ang aking Grand Poppsy. Mahal na mahal ko ang aking Lolo kaya ganoon na lang ang pag-iingat ko kay Edwardo.

At isa pa, hinuhulugan ko pa ang motorsiklong 'to sa kapitbahay naming bumbay na si Raj. Pasalamat nga ako at hindi ganoon kalaki ang tubo ni Raj, hindi katulad sa singil niya doon sa ibang mga umuutang sa kanya. Ang sabi pa nga niya ay kahit matagalan pa bago ako makabayad ay walang kaso daw sa kanya.

Feeling ko talaga malakas ang tama sa akin ng bumbay na 'yon. Isa si Raj sa mga hayagang nagpapakita ng paghanga sa akin. Kinakantyawan na nga ako ng mga utol ko na sagutin agad si Raj kapag nanligaw. Hindi ko na raw kailangan magbanat ng buto dahil halos buong baranggay namin, may utang kay Raj! Ibig sabihin lang n'on, maraming datung ang bumbay. Magbuhuhay doña raw ako kapag nagkataon!

Napapangiwi naman ako sa naisip. Oo, gusto ko ng lalaking may kaya sa buhay ngunit hindi iyon ang basehan ko upang pakasalan si Raj. Siyempre gusto ko rin ng love. Hindi ko rin ma-imagine na patulan si Raj. Aside sa may kaitiman ang lalaki, hindi ko rin type ang hindi pinoy. Prinangka ko na siya na wala siyang aasahan sa akin kapag nanligaw siya—kahit hindi naman niya tahasang sinasabi na aakyat siya ng ligaw.

Pero ganoon na rin iyon, 'no! Lagi niyang nila-like ang mga pictures ko sa FB tsaka hindi siya pumapalyang i-greet ako ng 'good morning' sa messenger araw-araw. Saan pa ba papunta ang mga ganoong paandar, diba sa panliligaw? Pero sorry na lang talaga si Raj, hindi ko siya type!

Ewan ko ba, minsan nawawalan na ako ng pag-asang magka-boyfriend pa. Sinasabi ng iba na masyado raw akong career-oriented. Jusme, ang hindi lang nila alam, kaya kong pagsabayin ang career at lovelife kaso sadyang wala lang matinong lalaki ang nanliligaw sa akin. Puro palpak kasi ang mga bubuyog na umaaligid-aligid sa bulaklak na katulad ko.

Naalala ko tuloy ang isa sa pinakamasugid kong manliligaw, si Julian na phagmacist sa Generic Pharmacy doon sa kantong malapit sa amin. Mabait si Julian. Period.
Pero hindi lang kabaitan ang hanap ko sa isang lalaki, gusto ko rin naman nang medyo may hitsura.

Ang kaso, tadtad na nga ng tagihawat ang mukha, sungki-sungki pa ang mga ngipin ni Julian! Hindi ako mapanlait na tao pero saan kaya nagsuot si Julian noong nauso ang Derma at Dentista? Paano aayos ang aming relasyon kung sarili niyang mukha, hindi niya kayang ayusin?

Ang sumunod ay si Lester. Si Lester ay kilalang fixer. Sa kabila nang maruming hanap buhay niya, nagkalakas pa siya ng loob na ligawan ako. Nagkakilala kami noong minsan ay ni-raid namin ang kuta nila sa Recto. Nang makalabas siya ng kulungan ay nagulat na lamang ako at pabalik-balik siya sa presinto, hindi para ikulong kundi para manligaw.

Na-love at first sight daw siya sa akin noong inaresto ko siya. Hindi daw agad siya nagtapat ng pag-ibig dahil nahihiya siya sa layo ng agwat naming dalawa, pero nagkaroon din daw siya ng lakas ng loob nang makalabas ng kulungan. Binasted ko siya agad ngunit mas makulit pa pala si Lester sa mga tagihawat ni Julian dahil paulit-ulit siyang sumusulpot kahit tahasan ko na siyang itinataboy!

Ang pangatlo ay si Renan. Si Renan ay anak mayaman. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking hardware sa may palengke. At hindi lang 'yon, guwapo din ang binata. Ang kaso, may maliit na bagay ang kapuna-puna kay Renan. Mabaho ang kanyang hininga. Marami daw kasi siyang mga sirang bagang ngunit hindi niya pinapa-pasta dahil takot siya sa anesthesia. Isa na namang lalaking ayaw sa dentista.

Maliit na bagay na puwede ko sanang palampasin kaso hindi ko napalampas. Paano na lang kung maghalikan kami? Baka mawalan ako ng ulirat at isugod sa ospital! At ang mga tarantado ko pang mga kapatid, nag-iispray agad ng Lysol at Refreshener sa tuwing umaakyat ng ligaw ang lalaki. Napapahiya nga ako sa mga kinikilos nila kaya binasted ko si Renan para hindi ko na masaktan pa ang kanyang damdamin.

Napapabuntong-hininga na lang ako. Kailan kaya magpaparamdam si Mr. Right? Nagtirik na ako ng kandila sa mga santo at nakipag-usap sa mga kaanak kong yumao, na sana'y tulungan akong mahanap na ang lalaking para sa akin. Hindi kaya madaling maging No Boyfriend Since Birth. At mas lalong hindi ako makakapayag na No Boyfriend Till Death ako!

Hindi naman ako sobrang choosy. Okay na sa akin ang hindi medyo kagwapuhan, hindi ganoon kayaman at hindi kasikatan basta malinis sa katawan, malinis ang trabaho at kaya akong mahalin at tanggapin sa kung ano at sino ako. Hindi naman siguro kalabisan ang standards ko, diba? Ang problema, saan ko hahanapin ang ganoong lalaki?

Beeeeeepppp!

"Ay, anak ng kalabaw—lechugas!" gulat na bulalas ko nang marinig ang isang malakas na pagbusina sa likuran ko.


Muntik na kaming tumilapon ni Edwardo! Nanlaki ang mga mata ko sa sindak nang paglingon ko'y ay muntik na akong mahagip ng pulang Ford Mustang na matuling pumaharuros papunta sa direksyon ko. Parang may pakpak ang sasakyan na lumilipad na tumawid ng kalsada kahit naka-red signal pa ang traffic light.


"Tarantadong 'yon, ah! Muntik pa akong i-hit and run! Humanda ka sa akin!"


Nang mag-go signal ay pinaharurot ko rin si Edwardo upang habulin ang pulang Ford Mustang. Sa klase pa lang ng sasakyan, halatang mayaman ang driver. Iyon pa ang mas masakit minsan. Kung sino pa 'yong mga mayayaman at edukado, sila pa ang umaabuso.

Akala ay hawak nila ang batas, lalo na sa trapiko. Ngunit pasensiyahan nalang kami at ako ang nakahuli sa kanya! Susundan namin siya ni Edwardo kahit saang lupalop siya magpunta!

Matulin pa ring nagpapatakbo ang driver ng Mustang, akala mo'y hari ang kalsada, ngunit malas niya lang at traffic sa may unahang intersection. Hindi makakadaan ang kanyang sasakyan dahil nag-stop uli ang signal at maraming nakahimpil na sasakyan sa harapan. Doon ko sinamantala ang pagkakataon at mabilis na ipinarada si Edwardo sa gilid ng gutter ng kalsada.

Bumaba ako ng motorsiklo saka mabilis na nilapitan ang Mustang. Kinatok ko ang bintana ng sasakyan kasabay ng paghugot ko sa maliit na notebook sa bulsa. Ngunit matigas ang driver at hindi ibinababa ang bintana.


Aba, ang tigas din ng ulo ng isang 'to ah!


Nagtitimping kinatok ko uli ang bintana, this time ay mas malakas na. Mayamaya ay ibinaba ng driver ang bintana ngunit bahagya lamang, hindi nga nangalahati. Nagsimula na akong maglista ng mga violations niya.


"What?" tila iritableng tanong ng driver.


Ay, wow, spokening dollar si Kuya.

"Brad, lisensiya mo, akin na!" walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.

"For what?" pagmamaangmangan niya pa sa mataas na boses.

Nagpanting ang tenga ko. Kapag ganoong masakit sa balat ang sikat ng araw, tapos makakatagpo pa ako ng barumbadong driver, nati-trigger ang kamalditahan ko. Muli kong kinatok ang kanyang bintana. Tuluyan na niyang ibinaba iyon hanggang sa tumambad ang kanyang mukha. Natigilan ako saglit nang mapasadahan ang kanyang anyo.

Guwapo! Hmp! Kaya pala mayabang!


LIKE THIS STORY? Hit LIKE and drop your COMMENT! Thanks!

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon