Chapter 8

47.4K 1K 27
                                    

Antonia's POV

"Good morning, mga pards!" masayang bungad ko sa mga kasamahang pulis sa aming istasyon.


Galing ako ng OFF at sinamantala ko 'yon upang mag-ayos ng sarili. Kinotrata ko ang manicurista sa aming lugar kanina upang magpa-manicure at pedicure. Nagpa-rebond din ako kanina sa mumurahing parlor doon sa may kanto malapit sa amin. At higit sa lahat, nagpa-wax na rin ako ng aking buong katawan upang matanggal ang tumutubo ko ng mga buhok.

Kasal ng bestfriend at kababata kong si Den-den bukas. Foreigner ang fiancee ng kaibigan ko kaya bongga ang kasalang magaganap. Na-meet niya lang sa Tinder Application ang lalaking Puerto Rican at nang magkita sila, agad niya iyong jinowa.

Noong una ay pinagalitan ko siya.
Ang bilis kasing bumigay, hindi man lang nagpakipot. Ang dahilan niya, foreigner daw ang lalaki kaya hindi uso dito ang matagalang ligawan. At isa pa, sa panahon daw ngayon, hindi na uso ang pakipot.

Kapag daw gusto mo at gusto ka—itodo na—sabi niya pa. Ang nag-aalangan, lagi daw na naaagawan. Kaya habang hibang pa sa kanya ang lalaki, ikakadena na raw niya para hindi na makawala pa. Napapailing na lang ako kay Den-den. May punto siya ngunit hindi ko yata kaya 'yon. Gusto ko pa rin kilalanin ang isang lalaki bago pakasalan.

Nagtaka ako nang imbes kasi na gantihan ako nina PO1 Regalado at SPO1 Dalman ng masiglang bati ay bigla na lamang silang nagtinginan at alanganing gumanti ng ngiti sa akin. Hindi ganito ang dalawa kapag binabati ko. Lagi nila akong sinasalubong nang masiglang ngiti at saludo sa tuwing dumadating ako sa presinto. Ako kaya ang mentor ng dalawang 'to.

Bigla akong napatingin sa selda. Wala na doon ang mga manggagamot at Medical Representatives na nahuli namin noong isang araw, kabilang na si Dr. Achilles. Napabuntong hininga ako saka nagtuloy-tuloy sa mesa ko.

Natigilan ako nang makita ang puting envelope sa ibabaw ng aking mesa. Kilalang-kilala ko ang envelope na 'yon. Isa iyong summon. Kapag may nagreklamo sa isang pulis ay pinapadalhan ng summon ng National Police Commission.


Doon lumapit si PO1 Regalado sa akin.
"Maam, ipinapatawag po kayo ni Hepe," mahinang saad niya sa akin. Si Chief Supt. Julio Sison ang Hepe namin sa istasyon. Ang ninong ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Anong nangyari sa mga nahuli nating mga doktor noong isang araw?"

"'Yong iba nasampahan po ng kaso. 'Yong dalawang nahuli natin sa loob ng kuwarto, inabsuwelto. Negative po sila pareho sa drug tests kaya hindi po sila nasampahan ng kaso."

Napatango ako. Kakatuwang nakahinga ako nang maluwag nang malamang inosente si Dr. Achilles. Ngunit alam kong hindi niya ako tatantanan. Sa dami ba naman ng banta sa akin ng lalaking 'yon, hindi 'yon titigil hangga't hindi 'yon nakakaganti.

"Nandiyan na ba si Hepe?" kapagkuway tanong ko kay PO1 Regalado.

"Opo, Maam. Sa katunayan, kanina pa niya kayo hinihintay."

Kinuha ko ang envelope sa mesa saka iyon binuksan. Tama nga ako, isa iyong summon. May nag-file ng administrative case laban sa akin. At tama rin akong si Dr. Achilles 'yon. Napailing-iling na lang ako. Ganito kakomplikado ang pagiging pulis.

Kapag ginawa mo nang maayos ang trabaho mo, may aangal. Kapag hindi mo naman ginawa nang tama, may aangal pa rin. Saan kaya kami lulugar? Sa mga kamay namin nakasalalay ang kaligtasan ng buong sambayanan pero hindi kami pinapahalagahan.

Hay naku, Antonia! Huwag ka ng mag-emote at puntahan mo na lang ang ninong mo.

Nagtungo ako sa opisina ng Hepe tangan ang envelope na nakita ko sa mesa. Kumatok muna ako sa loob bago pumasok. Agad kong nakita ang ninong ko na nagta-type nang kung ano sa kanyang computer. Nang makita niya ako ay agad niya akong sinenyasan na pumasok.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon