Chapter 6

48.2K 1K 22
                                    

Antonia's POV

"Fourth floor, Flat seventeen."

Agad kaming umakyat sa Fire Exit stairs ng Condominium kung saan kami nagko-conduct ng drug operation. May natanggap kaming report na may nagaganap na drug session sa isa sa mga units ng Swiftson Condominium. Ako ang Team Leader at ang nagbigay ng "go" signal upang simulan na ang aming drug raid. Ang iba sa mga tao ko ay sumakay ng elevator.

Pawisan kami nang makarating sa Fourth Floor ng building ngunit dahan-dahan pa rin kaming naglakad upang makalapit sa pinto ng Flat 17. May bitbit akong baril pati na rin ang mga kasamahan kong sina PO1 Regalado at SPO1 Dalman. Nag-signal kami saka dahan-dahang kinatok ang pinto ng Flat 17.
Nang walang nagbukas sa pinto ay umulit kami ng katok. This time ay mas malakas na.

Nang wala uling nagbukas ay umatras kami saka binaril ang seradura ng pinto. Sapilitan ko iyong sinira hanggang sa matanggal iyon at mahulog sa sahig. Doon na namin sinipa nang malakas ang pinto bago iyon tuluyang bumukas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga hubo't hubad na katawan ng mga babae at lalaki sa sahig. May iba pang huli sa aktong nagtatalik sa may kusina.
Sa sahig ay nagkalat ang mga basyo ng mga gamot at siringhilya. Naasiwa ako sa kalaswaan na nakikita.
Gulat na napatingin sa amin ang dalawang tao sa kusina at dali-daling tinakpan ang mga sarili.

"Walang kikilos, mga pulis kami! Itaas ang mga kamay!" sigaw ko sa dalawa sabay tutok ng baril sa kanila.

May limang tao ang naroon. Tatlo ang nakahandusay sa sahig na mukhang bangag sa droga samantalang dalawa ang nakatayo sa kusina. Agad naman silang nilapitan at pinosasan ng aking mga kasamahan. Walang nagtangkang pumalag o manlaban. Ang ibang mga kasamahan ko ay tinakpan ang mga maseselang parte ng mga nakahandusay sa sahig.

Pumasok na rin ang aming ibang mga kasamahan. Agad naman akong nagtungo sa isang nakasarang pinto. Nang idikit ko ang aking tenga sa likod ng pinto ay may naririnig akong mga ungol mula sa loob. Mukhang may mga tao doon. Nang pihitin ko ang knob ay naka-lock iyon. Binaril ko uli nang ilang beses ang seradura bago iyon tuluyang nabuksan.

Nang makapasok sa loob ay agad kong itinutok ang baril sa dalawang taong nagtatalik sa ibabaw ng kama. Huli sa akto ang babae na gumigiling sa ibabaw ng lalaki. Halatang nagulat ang dalawa sa pagpasok ko dahil mabilis silang nagtakip ng mga katawan. Ang babae ay tangka pa sanang tatakbo papasok ng banyo ngunit agad kong itinutok ang baril sa kanya.



"Walang kikilos, pulis ako!"



"You?!"



Natigilan ako nang mapatingin sa lalaki na nakahiga sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. Ang guwapong doktor na nahuli ko noong isang araw sa kalsada!



"Ikaw rin?!" gulat na tanong ko sa kanya.



"What on Earth are you doing here?!" tila galit niya pang tanong sa akin.


"Hinuhuli ka na naman, malamang!"



Imbes na matakot ay mukhang lalo pa siyang nairita sa akin. Tatayo na sana ang doktor nang bigla siyang lapitan ni PO1 Regalado at sapilitang idinapa saka pinosasan sa mga kamay.


"What the hell is the meaning of this? Get off me! Release this thing on my hands!" nanggagalaiting sigaw niya kay PO1 Regalado.


Natitigilan pa rin ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya doon. Ang akala ko'y may ginintuan siyang puso dahil tumulong siya sa matanda noong isang araw. Nagkaroon pa nga ako nang matinding paghanga sa kanya. Sa sobrang tindi ng crush ko sa kanya ay ni-research ko kung ang kanyang tunay na katauhan.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon