CHAPTER 4

51.6K 1.2K 31
                                    

ACHILLES POV

"Ihinto mo ang sasakyan!"

Napadiin ang pagtapak ko sa break ng sasakyan dahil sa biglang pagsigaw ng katabi kong babaeng pulis. Mabuti na lang at may suot siyang seatbelt kaya hindi siya sumobsub sa dashboard. I know it's rude but I wish she really did smash her face on my dashboard.

I've been driving the lady police down to her precinct for twenty minutes now and I couldn't take her any longer. She's a pest. She managed to make me reached my boiling point in just twenty minutes! Sagad na hanggang anit ang iritasyon ko sa kanya.


"Takteng—papatayin mo ba ako? Bakit mo hininto agad? Paano kung sumubsob ang  magandang mukha ko sa dashboard mo?!" galit na bulyaw niya sa akin.

Nagpanting ang mga tenga ko sa pagtaas ng boses niya. No woman had ever raise her voice on me!
"You told me to stop so I stopped!" pabulyaw ko ring balik sa kanya.

Hindi siya nakaimik ngunit pinaningkitan ako ng mga mata. Mayamaya'y inirapan ako. Kumibot-kibot pa ang bibig.

I swear I'm gonna sue this woman!

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan saka pilit na hinihila ang posas na nakakabit sa aking kamay.
"Sumama ka sa 'kin, dali!"


Marahas na binawi ko ang aking kamay.
"Where are you taking me?"
Kung makahila ang pulis sa akin ay tila daig ko pa ang aso!

"Doon!" Inusli niya ang nguso sa gilid ng kalsada na kung saan may nagkukumpulang mga tao. Tumikwas ang bibig ko sa ginawa niya. Is that the proper way to point on something?

What a low class woman!

Naiinis na umiling-iling ako.
"Is that your precinct?"

Kumunot ang kanyang noo sa tanong ko.
"Bulag ka ba? May nakikita ka bang presinto d'yan? May titingnan—"

"Then no one's gonna get out of this car! Lalabas lang tayo kapag presinto mo na, do you understand?" galit na sabi ko sa kanya.

I am now officially and extremely late to our company's meeting. I can imagine my big brother's wrath right now. My annoyance is now extremely high too. Thanks to this stupid policewoman!


"Ang dami mong satsat! Sumama ka na lang!" pagpupumilit niya at pilit hinihila ang posas ko.

Napapikit ako upang pigilan ang paghugalpos ng galit. Bumilang ako nang tatlo bago hinarap uli ang makulit na pulis.


"What do you want with those people?!"
nagtitimping tanong ko sa kanya.


"Titingnan lang natin kung bakit sila nagkukumpulan d'yan! Baka may nangyari!"

Napamura ako sa isipan. Tsismosa pa!
"That's not your goddamn business!"

"That's my business dahil pulis ako! Lahat nang kakaibang nangyayari sa paligid, business ko! Gets mo, Brad?" sarkastikong sagot niya.

I sighed deeply, hoping it will lessen the annoyance I felt for this lady. Napakapit na naman ako nang mariin sa manibela upang huwag magpadala sa init ng aking ulo. Halos mayupi na ang manibela sa diin nang pagkakakapit ko.

"Hoy, ano na? Bilis na!" pangungulit na naman niya.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Imbes na matakot ay matapang niya pang sinalubong ang mga mata ko. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay.


Oh, Jesus, please...take this demon away from me!

Sa aming ospital, kapag nagsimula nang magsalubong ang mga kilay ko'y natataranta na ang mga katrabaho ko. Hindi ako basta-basta nabibiro. Hindi ako istriktong klase ng Boss, hindi kagaya ng aking Kuya Arthur, ngunit masama rin akong ginagalit. Alam ng mga empleyado ng aming ospital kung ano ang ugali ko kapag nagagalit kaya walang nagtatangkang gumawa nang maling bagay na ikakainit ng ulo ko.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon