Chapter 32

45.5K 1K 116
                                    

Antonia's POV

"This tastes good, Antonia! How did you make this?"

Halos umabot na sa tenga ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Esmeralda at ang mga kapatid ni Dr. Achilles na inuubos ang mga paninda ko. Hindi ko na magawang maglako dahil mukhang sisimutin ng mga 'to ang mga paninda ko. Hindi nga nagbibiro si Andromeda nang sabihin niya kaninang paborito ng mga kapatid niya ang kakanin.

Pero bakit ni minsan ay hindi tumikim si Dr. Achilles ng mga kakanin ko?

Maarte kasi ang isang 'yon. Mapili sa pagkain. Mabuti nga't nasikmura n'on ang sinigang ni Pippa. Mabuti pa 'tong mga kapatid niya, na-appreciate ang gawa ko. Isa na siguro ako sa pinakamasuwerteng tao sa balat ng lupa dahil nakasama ko ang mga taong 'to sa iisang kuwarto.

Biruin mo, mga executives 'to ng ospital. Sikat at nuknukan ng yaman din ang kanilang pamilya hindi lang sa bayang 'to kundi sa buong bansa. Nangunguna kasi ang ospital nila sa pagbibigay ng kalidad na serbisyo sa mga pasyente. Kilalang-kilala ang pamilya nila magmula pa sa mga kanunununuan nila.

Daig ko pa nga ang fangirl habang hindi mapakaling nakaupo sa kanilang harapan. Mabuti at mababait sila. Hindi ko maramdamang itinuturing nila akong isang hamak na pangkaraniwang tao lamang. Nagtatawanan pa nga sila habang nagkukuwento ako. Lalo na ang makulit na si Dr. Archimedes at si Dra. Andromeda.

Ang tahimik lang sa kanila ay sina Dr. Arthur at Dr. Alexander na ngayon ko lang nakilala. Nakita ko na siya dati pero hindi ko siya kilala. Tahimik lang siya sa isang tabi ngunit ngumingiti naman kapag nagpapatawa ako. Misteryoso siyang tao. Sabagay Psychiatrist nga naman daw. Baka inoobserbahan niya ang mga kilos ko.

Kinakabahan akong makita niya ang itinatago kong kabaliwan. Ay hindi na pala itinatago, ipinaglalandakan ko na pala. Nasa kalagitnaan kami ng aming masayang pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Dr. Achilles. Medyo kinabahan ako nang makitang madilim ang kanyang anyo.


"B-boss!" tanging nasabi ko.

"Boss? What a cute endearment, Antonia!" natatawang sabi ni Dra. Andromeda.

Hindi ako nakasagot lalo pa't nakatingin si Dr. Achilles sa mga bayong sa mesa at sa mga kakanin na hawak-hawak ng mga kapatid niya.
Mabagsik na nagbaba siya ng tingin sa akin. Nagyuko ako ng ulo para iwasan ang mga mata niya.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Dr. Achilles.

Napilitan akong mag-angat uli ng tingin sa kanya. Nahihiya ako sa mga kapatid niyang nagtatakang nakamasid sa aming dalawa.

Napilitan akong ngumiti para mabawasan ang tensyon sa paligid.
"A-ano...nagkita kasi kami ni Esmeralda sa lobby kanina...tapos nagchikahan kami. Tapos..." hindi ako nakatiis at tumayo saka inoffer sa kanya ang upuan ko, "Upo ka nga muna at mukhang p-pagod ka."

Hindi siya umupo at hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Didnt I tell you not to sell your goddamn rice cakes anymore?" mahina ngunit mariin niyang tanong.

"Oh, c'mon, Kuya, give your girlfriend a break! We love her kutsinta and puto!" sabat ni Dr. Andromeda.

Patay kang bata ka!

Kumunot ang noo ni Dr. Achilles sa sinabi ng kapatid saka ibinalik ang tingin sa akin Napakagat labi ako. Baka ipahiya na naman ako nito at brutal na sabihing hindi niya ako nobya. Ngunit ang inaasahan kong gagawin niya ay hindi nangyari, bagkus ay kinuha niya ang mga bayong sa mesa at tinalikuran ang mga kapatid.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon