Chapter 37

46.4K 1K 91
                                    

Antonia's POV

Pumiksi ako sa mariin na pagakakahawak sa akin ni Dr. Achilles. Lalong naningkit ang mga mata niya sa ginawa ko.

"A-ayoko nga! Bakit ako aalis? Nag-eenjoy ako, eh," inis na sagot ko saka siya inirapan.


"You're not invited here!" giit niya.


Pinamaywangan ko siya. "Hoy, for your information, invited ako 'no! Date ako ni Warren! Huwag ka ngang ano d'yan!" pagmamalaki ko pa.


Nagsalubong ang mga kilay niya. "Since when did you get aquainted to that guy? Pinopormahan ka ba niya?"

Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Ano? Anong aquainted? Para sabihin ko sa 'yo, friends kami! Ganito kami ka close o..." Ipinakita ko sa kanya ang cross fingers ko. Akala yata ng lalaking 'to wala akong susyal na friend!


"Pinopormahan ka ba niya?!" ulit niya sa mataas na tono.


Nabadtrip ako sa kakulitan niya.
"Bakit ba? Friends lang kami. Pero ang sabi niya he finds me pretty daw!" taas noong sabi ko.


Namula ang mukha niya, tila lalong nagalit. "And you believe that? I cant believe you're that gullible! I'm warning you, dont hang out with that guy!"


Tuluyan na akong napikon sa sinabi niya. Anong karapatan niyang pigilan akong makipagkaibigan sa ibang tao?
"Ano bang pakialam mo? Mabait, maginoo at matalinong tao si Warren...wala akong makitang dahilan para hindi siya kaibiganin!"


"Because he's just using you to spite someone!"

Naguluhan ako. "Ano?"


"He's Tracy's ex boyfriend. Tracy said he's desperate to take her back. Kaya ka siguro dinala ng lalaking 'yan dito para pagselosin si Tracy. He's disgusting, lumayo ka sa kanya!" pautos na sabi niya.


At ikaw hindi disgusting? Pareho lang kayong dalawa!


Binalewala ko ang sinabi niya. Mabait si Warren, imposibleng gawin niya sa akin 'yon. Tsaka wala naman akong gusto sa kanya kaya hindi ako apektado. Kailan kaya ako lulubayan ng Dr. Achilles na 'to? Ako na lang kaya ang umiwas sa kanya? Tangkang tatalikuran ko siya nang pigilan na naman niya ako sa braso.


"Antonia!" gigil na sikmat niya.


Gigil ring hinarap ko siya. "Ano na naman?"

"I said go home!"

Iwinaksi ko ang kamay niya. "Ayoko nga! Wala kang karapatang diktahan akong umuwi dahil off ko!"



Nakita ko ang pagtiimbagang niya. Panay taas at baba ng adam's apple niya, mukhang nagpipigil ilabas ang galit. Lalo tuloy akong nabuwesit sa kanya. Anong karapatan niyang sirain ang araw ko samantalang siya'y malayang nagpapakasaya sa Tracy na 'yon?


"I promise to bring you to every places you want, just stay away with Warren and go home," mahina ngunit mariin niyang utos.

Ano 'yon, pakonsuwelo de bobo? Bahala ka d'yan!


Hindi pa rin ako nakinig. Akmang tatalikuran ko na naman siya nang hawakan na niya ang balikat ko.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon