Chapter 18

44.2K 1K 20
                                    

Antonia's POV

"Ano ba 'yan, Junior, bakit ang tagal nila sa loob?" inip na tanong ko kay Junior habang nasa labas ng Operating Room at naghihintay sa paglabas ni Dr. Achilles. Tatlong oras na ang nakakalipas magmula nang operahan ng manggagamot si Poppsy.
Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.


"Malamang Open Heart Surgery 'yan kaya matagal! May iba ngang umaabot ng 12 hours!" nakabusangot na sagot ni Junior.


Halatang-halata sa hitsura niya na inaagaw na siya ng antok ngunt pinanlalabanan. Dapat ay tulog siya ngayon dahil nagduty siya kagabi ngunit heto siya at sinasamahan kami ni Pippa na umantabay sa operasyon ni Poppsy. Naawa naman ako bigla sa kapatid ko kaya nanahimik na lang ako. Mayamaya ay tumabi sa akin si Pippa.

"Te..."

"Ano?"

"Exam ko sa Lunes!"

"Eh, 'di mag exam ka. Nag-aral ka ba?"

Mukhang nag-apuhap siya ng isasagot. "Hindi, eh."

Muntik ko na siyang masapak kung hindi lang siya mabilis na nakaatras at nagtago sa likod ni Junior.

"Ikaw, Pippa, ha, huwag mong pinapainit ang ulo ko at malilintikan ka talaga sa akin! Mag-aral ka!" inis na bulyaw ko sa kanya.



"Mag-aaral lang ako kung bayad na tuition ko. Bayaran mo muna!"

Napapikit ako nang wala sa oras. Biglang kumirot batok ko sa sinabi niya. Panibagong bayarin na naman! Saan kaya ako kukuha ng perang pambayad sa tuition ni Pippa eh ubos na ipon ko sa mga gamot pa lang ni Poppsy? Mangyari ay ang hospital bills lang pala ang inilibre ni Dr. Achilles, hindi mga gamot.

May ibang gamot kasi si Poppsy na kailangang bilhin sa labas ng ospital.
Hindi pa biro ang presyo ng mga gamot na 'yon. Wala namang inaabot na pera si Dr. Achilles sa akin kasi nga free ang serbisyo ko sa kanya kapalit ng pagkakawang gawa niya. Nahihiya naman akong manghingi sa kanya at baka sabihin niyang abusada ako.


"Gawan mo ng paraan, 'te!" pangungulit ni Pippa.

Napabuntong-hininga ako. "Magkano ba kailangan mo?"

"Ten thousand. Tapos may thesis pa kami sa katapusan. Malaki magagastos namin d'on."

Wala akong nagawa kundi magkamot ng ulo. "Sige...gagawan ko ng paraan 'yan. Huwag kang mag-alala. Basta mag-aral ka nang mabuti!"


"Salamat, te. Pasensiya ka na at mas lalo lumaki gastusin natin dahil sa akin. Promise magsusumikap akong maka-graduate para makatulong sa inyo."

Na-touch ako sa sinabi ni Pippa lalo pa't bigla niya akong niyakap. Nabawasan nang kaunti ang inis ko sa kanya. Ayokong nakikita ang mga kapatid kong nahihirapan. Hindi na baleng ako, huwag lang sila. Ngayon ay mag-iisip ako ng paraan para kumita ng pera.

————

Achilles' POV

Gigil na pinaharuros ko ang aking sasakyan sa kahabaan ng highway. Mainit ang ulo ko. Aside sa pagod na pagod ako sa maghapong Open Heart Surgery sa ama ng lintek kong bodyguard, ang tinamaan nang magaling naman ay nawawala.

I was expecting to see her outside the Operating Room after the surgery. But according to her younger siblings, she disappeared. Ang alam ko'y panganay siya. Siya dapat ang laging nandiyan upang mag-monitor sa kalagayan ng kanyang ama. Pero nasaan siya? Naglamyerda malamang sa kung saan-saan!

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon