Chapter 21

44.6K 978 32
                                    

Antonia's POV

"Nasisiraan ka na ba, Ate? Bakit mo isinanla ang kuwentas na bigay sa 'yo ni Mommsy n'ong 18th birthday mo? Papatayin ka ni Poppsy kapag nagising 'yon."

Napahawak ako nang mahigpit sa pitaka ko habang pinapakinggan ang sinasabi sa akin ni Pippa. Labag man sa loob kong isanla ang tanging kayamanang ipinamana sa akin ni Mommsy, wala akong magagawa dahil kinabukasan naman ni Pippa ang mawawala. Isa iyong 18 karat na kuwentas na may tunay na bato sa gitna.

Hindi masyado malaki ang kuha sa akin n'ong alaherang pinagsanlaan ko ng kuwentas pero sapat na 'yon para pambayad sa tuition ni Pippa. Kung alam lang ng kapatid ko kung paano ko iniyakan kagabi ang desisyong isanla ang kuwentas na 'yon. Para ko na ring ibinalewala ang pagmamahal ng namayapa kong ina.

Wala kasi akong aasahan kay Dr. Achilles. Hindi na nga ako pinabale, ininsulto pa ako. Napaka walang hiya talaga ng lalaking 'yon. Ang laki ng sama ng loob ko sa kanya kahapon. Ikinakahiya niya pala ang paghahanap buhay ko. Naiinis pa rin ako sa kanya kaya umalis ako ng bahay niya kanina nang walang paalam. Mabuti na lang at tulog pa ang damuho.


"Ano na, 'te? Di ka nakakibo d'yan? Bakit 'yon pa ang ibinenta mo?" pangungulit ni Pippa.


Naalibadbaran ako sa kaingayan niya. "Anong gusto mong ibenta ko, aber? Ikaw? Baka lugi pa ako sa 'yo dahil walang bibili!"

Umingos siya. "Bakit kasi hindi ka na lang mangotong sa mga nahuhuli mo o di kaya'y magpaabot ng bayad sa mga sindikato? Ang laki pa ng kikita—aray!"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil binatukan ko siya.

"Joke lang, ano ka ba? Nananakit agad, eh!" nakangiwing sabi niya habang sapo ang nasaktang batok.

Namaywang ako sa harapan niya. "Ito ang tatandaan mo, Pippa, ha. Kahit tayo pa ang pinakamahirap na pamilya sa buong Baryo Patay, hinding-hindi ko kailanman iisiping gumawa nang maduming gawain! Magsusumikap akong maiahon ang pamilya natin sa hirap sa malinis na pamamaraan!"


"Eh, di wow! Ikaw na ang dakila! Tara na at bayaran mo na tuition ko."


Hinila na niya ako papuntang Registrar's Office. Nagpatianod naman ako sa kanya. Humigit kumulang isang oras kaming pumila sa opisina dahil sa dami ng mga estudyanteng nag-enrol sa araw na 'to. Medyo naiinip na ako, mabuti na lang at tinawag na ng Registrar's Counter ang numero ni Pippa. Mabilis kaming nagtungo sa counter.


"Pangalan?" tanong ng lalaki sa counter.

"Felomena Paraloman Dimaculangan," sagot ko.

Muntik nang matawa ang lalaki nang marinig ang buong pangalan ni Pippa. Hindi ko siya masisisi. Talaga namang nakakatawa ang pangalan ng bunso namin. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng mga magulang ko at 'yon ang ipinangalan kay Pippa. Ang lakas maka throwback. Parang tropa lang nina Tandang Sora at Andres Bonifacio eh.

Inilapit ko ang aking mukha sa maliit na bilog na butas sa counter para marinig ng lalaki ang sasabihin ko. Gusto ko kasing hinaan ang boses ko dahil nakakahiya.
"Magkano po ba balance ni Ms. Dimaculangan, Sir? Iyong ngayong term lang po na 'to, Sir, ha? Kapos po kasi ako ngayon."


Busy siya sa kakapindot sa mouse ng computer. Mukhang inaalisa ang bayarin ni Pippa. Mayamaya ay binalingan niya ako. Kinabahan ako. Baka may iba pang bayarin si Pippa na hindi ko alam.


"O, fully paid na pala 'to si Ms. Dimaculangan, eh. Kaninang umaga lang."


Nagtaka ako. "Sir, puwede pakiklaro po? Ngayon lang po kami magbabayad ng kapatid ko."

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon