Chapter 48

50.7K 1.1K 92
                                    

Antonia's POV

Pinakiramdaman ko ang aking katawan. Napakagaan ng aking pakiramdam, para akong nakalutang. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang nakakasilaw na liwanag ang agad sumalubong sa akin na nagdulot ng hapdi sa aking mga mata. Mabilis akong napapikit ulit.

Grabe namang liwanag 'yon! Ang mahal-mahal na nga maningil ng Meralco, nagsasayang pa sila ng kuryente!


Iminulat ko uli ang aking mga mata. Hindi pala ilaw na mula sa poste ng Meralco ang sumilaw sa akin kundi ilaw ng kalangitan. Kumunot ang noo ko. Iginala ko ang paningin sa paligid, nakahiga ako sa damuhan na punong-puno ng mga humahalimuyak na bulaklak. Mabilis akong tumayo at nagtatakang pinagpagan ang sarili ko.

Anong ginagawa ko rito? Ang tanda ko'y nasa abandonadong building ako at nakikipagbarilan kay Dra. Caitlyn!

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga nangyari. Agad kong kinapa ang dibdib, tanda ko ring nabaril ako sa parteng 'yon ni Dra. Caitlyn. Nakakapagtakang nawala na ang sakit! No'ng tinanggap ko ang balang para sana kay Tracy ay hindi ko makalimutan ang tindi ng sakit na dinulot n'on sa dibdib ko. Kinapos ako ng hininga at parang mamamatay!


Ang tindi mo rin, Antonia. Para lang hindi masaktan ang lalaking mahal mo, isinakripisyo mo ang buhay mo para mailigtas ang babaeng mahal niya. Tama nga sabi nila, binabaril ang mga taong martyr.

"Buti't hindi ako namatay!" bulalas kong mag-isa.

Nagtataka pa rin ako kung paano ako napunta sa hardin na 'to. Nawalan ba ako ng malay at inakala ni Dra. Caitlyn na natsugi ako kaya itinapon ako sa lugar na 'to? Bongga naman nang pinagtatapunan niya ng bangkay ko, garden! Akala ko ba sabi niya, sa imburnal o estero?

Nagpasiya na akong tumayo at humanap ng daanan palabas. Nang mapagmasdan ko nang mabuti ang paligid ay napagtanto kong isa iyong napakalawak na hardin. Sa sobrang lawak, parang wala iyong katapusan. Napakamot ako sa bumbunan ko. Paano ako napunta rito?

Nagpasiya uli akong maglakad. Eksaktong sa may 'di kalayuan ay may nakita akong babaeng nakaupo at namimitas yata ng bulaklak. Agad akong tumakbo at nilapitan siya. Nakatalikod siya sa akin kaya nagpasiya akong tumikhim upang kunin ang atensyon niya.

"Uhm...eheem! Mawalang galang na po..."


Hindi siya lumilingon at nagpatuloy sa pagpitas ng bulaklak. Masyadong nagko-concentrate sa ginagawa. Tauhan kaya siya rito? Biglang umandar ang pagka-business woman ko. Parang natutukso na rin akong mamitas ng mga bulaklak at ibenta sa palengke pag-uwi ko mamaya. Sa dami ba naman ng bulaklak doon, imposible namang mabilang pa ng may-ari ang mga pipitasin ko.


Nakakahiya ka, Antonia, naturingan kang pulis pero may balak ka pang mangulimbat ng hindi mo pag-aari!

"Anong kailangan mo, Antonia?" tanong ng babae.


Nagulat ako nang makilala ako ng babae.

"Kilala n'yo po ako?"

"Malamang. Tinawag kitang, Antonia, 'diba?"

Kumunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar ang boses sa akin ng babae? At ang tabas ng dila niya'y pamilyar din. Katulad ni Pippa!
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Halos malaglag ang panga ko nang makilala siya.

"M-mommsy!" gilalas na bulalas ko.


Nginitian niya ako. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko siya. Lumapit pa ako sa kanya at tinitigan siya nang mabuti. Siya nga! Si mommsy ko nga! Nakasuot siya ng gown na puti at kumikinang pa iyon. Parang hindi rin tumanda ang hitsura niya.


Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon