Chapter 15

44.4K 969 29
                                    

Antonia's POV

"Miss, matagal pa ba sila sa loob?" naiinip na tanong ko sa sekretarya ni Dr. Achilles.

Wala ako sa klinika ni Dr. Achilles dahil ipinasara na raw iyon. Nagtaka nga ako kung bakit isasara ang klinika samantalang bukas naman iyon kahapon. Ang sabi n'ong medical secretary doon, nasa opisina daw niya si Dr. Achilles. Mabilis ko namang nahanap kung saan ang opisina, salamat sa matandang guard na umestima sa akin kanina.

Pansin ko'y mababait at matulungin ang mga empleyado ng ospital na 'to. Para bang inspired lagi sila sa kanilang trabaho. Siguro ay malalaki ang sahod nila o di kaya'y maayos ang pamamahala ng mga employers nila. Hindi tulad sa ibang ospital na bugnotin ang mga nurse, suplada ang mga receptionists at feeling pogi kung magsungit ang mga guards.

Maayos din naman akong inestima ng secretary ni Dr. Achilles at pinaghintay ako sa malaking sofa sa harapan ng opisina. Galante at malinis ang labas ng opisina ng mangaggamot. Para akong nasa isang 5 star hotel. May mangilan-ngilan ding mga nakaupo sa sofa na kasama ko.
Kaso nakasuot sila ng mga formal attire.

Gusto ko na ngang manliit kanina dahil suot ko lang ay simpleng maong pants at lumang T-shirt na bigay n'ong natalong mayor noong nakaraang eleksyon. May nakasulat pa sa T-shirt ko na, "Iboto si Castor sa pagka Mayor!". Pero naisip ko, bakit ako mahihiya samantalang kakausapin ko lang naman si Dr. Achilles?
At mas may lamang ako sa mga katabi ko dahil mayroon akong dalang puto, sila wala!

Pero maghihigit isang oras na akong naghihintay dito, ni isa sa amin ay wala pang nakakapasok sa opisina. Sumasakit na nga ang puwet ko kaya panay ang galaw ko sa upuan. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao doon. Problema na nila kung magkasugat sila sa puwet sa pagiging poise nila.

Nang hindi na ako makatiis ay kinulit ko na uli ang sekretarya ni Dr. Achilles. Pang sampung ulit ko na 'tong paulit-ulit na tanong sa kanya. Ang sabi niya kasi ay may meeting daw ang mga kapatid ni Dr. Achilles sa loob ng opisina. Mga Big Boss daw ng ospital ang nasa loob kaya hindi puwede isturbohin.


"I'm sorry, Maam, but he is still currently unavailable right now," nakangiting tugon ng sekretarya sa akin.

Bilib din ako sa babaeng 'to. Kanina pa ako nangungulit sa kanya pero nakangiti pa rin siya. Kung ako siguro sa lugar niya ay nasinghalan ko na ang makulit na katulad ko.
Napakamot na ako sa ulo.

"Pagkatapos ba ng meeting chuchu na 'yan, makakausap ko na siya?" pangungulit ko na naman.

Nakangiti pa rin ang serkretarya.
"No, Maam. Actually, you're not in his list of appointments right now so you'll be the last one to get inside."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? Pambihira naman, Miss. Kailangan na kailangan ko siyang makausap!"

"And so are they," tukoy niya sa mga katabi ko sa upuan kanina.


Badtrip na inilapag ko ang lalagyan ng puto sa ibabaw ng mesa ng sekretarya saka dumukwang at nagsalita nang pabulong sa harapan niya.


"Alam mo kasi, Miss, uhm...pulis ako. Seryoso ang pag-uusapan namin ni Dr. Achilles. About ito sa kalagayan ng Poppsy ko kaya paunahin mo na ako, puwede ba?"

Nakangiti pa rin siyang sumagot saka pinagsiklop ang mga palad sa ibabaw ng kanyang mesa.
"People at your back are Excecutives, General Managers, Doctors and even polit—"

"Sige na, bibigyan naman kita nitong dala kong puto, eh. Hati kayo ni Dr. Achilles. Promise. Paunahin mo na ako..."

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon