Chapter 10

46K 1K 14
                                    

Achilles POV

"So, where do you plan to go on vacation, Dr. Achilles?"

Hindi ako nag-angat ng tingin kay Dr. Leo, ang Director ng Emergency Room. Kasalukuyan akong nagsusulat sa Physician Form sa file ng isang pasyente. May ni-refer na pasyente kanina si Dr. Jacinto, isang Cardiologist, tungkol sa isang pasyenteng candidate umano sa isang heart transplant. Bumaba ako at tiningnan ang pasyente sa ER kahit wala na ako sa mood magtrabaho.

Itong araw na 'to ang last day ko sa ospital. Kahit nilinis ko na ang pangalan ko mula sa pagkakadawit sa drug raid noong isang linggo, ipinagpatuloy pa rin ng Kuya Arthur ko ang pagtanggal sa akin sa posisyon. Sumama ang loob ko dahil alam naman niyang na frame-up lang ako sa gulong 'yon pero hindi pa rin nagbago ang disisyon niya.

Masama ang loob ko dahil buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para maging karapatdapat sa posisyon bilang presidente ng ospital at iba pang mga kompanya namin ngunit binalewala lang niya lahat dahil lang sa isang pagkakamaling hindi ko naman ginawa.

Wala akong inisip at ginawa kundi maging-proud sa akin ang kuya ko pero wala pala iyong saysay dahil kulang ang bilib niya sa akin. Kung malaki ang tiwala niya sa akin, hindi niya gagawin sa akin 'to dahil alam niyang mapapahiya ako. Ngunt wala. Ginawa niya pa rin.

Minsan gusto ko ng magtampo sa kapatid ko. Masyadong makitid ang utak niya. Hindi siya marunong makinig ng eksplenasyon at tanging ang sarili lang niyang desisyon ang mahalaga para sa kanya. Hindi niya inisip ang mararamdaman ko. Ako ang kanyang kanang kamay! Ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaang kapatid!

Kaya nagpasiya  na rin akong mag-resign s atrabaho. I gave up my position as a President and as a Chief Consultant Cardiothoracic Surgeon in Sacred Heart Hospital. Masyadong tinapakan ng Kuya ko ang aking pagkatao. I wouldnt beg him to reprise my position. Babangon ako at magsisimulang muli pero hindi na sa ilalim ng kanyang anino.

"To hell, Bro. I'm gonna have a vaction to hell. Wanna come?" malamyang sagot ko kay Dr. Leo.

Natawa siya. "Oh, no, Dr. Khill. I've been there. It's not an awesome place," pabirong sagot niya.

Hindi ko man lang magawang ngumiti sa sagot niya. My heart is filled with hatred and sadness. Matapos magsulat sa form ay isinara ko na ang file at walang kangiti-ngiting inabot sa kanya.

"I need this patient's labs ASAP. Call my On-call residents if you got the results. I think this patient needs to be admitted in the Coronary Care Unit," seryosong sabi ko sa kanya.

"Sure. I'll call you then?"

Kumunot ang noo ko. "I told you to call my On-call Resident, were'nt you listening?"

Natawa siya. "I mean, I'll call you when you're on vacation mode. Seriously, you need a chill pill, Bro."

Hindi ko na siya sinagot. Wala talaga ako sa mood makipagbiruan. Lately ay iniiwasan na rin ako ng mga Resident Doctors at Assistant Consultants ko dahil laging mainit ang ulo ko. I couldnt blame them. I couldnt blame myself either. I am just a poor victim of this unfair wolrd.

Dr. Caitlyn was fired. Nag-negatibo siya sa drug test pero ayaw ni Kuya na ma-associate muli ang ospital sa isang katulad niya dahil sa kanyang drug users na pamilya. Simula nang mangyari ang pag-aresto sa akin, nag-conduct ang ospital ng mandatory drug test sa lahat ng mga empleyado.

Napatingin ako sa smart watch ko. Oras na upang umuwi. Hindi ko matiis manatili pa sa ospital na buong buhay kong pinag-alayan ng oras at panahon. Halos ang ospital na 'to na ang naging pangalawang bahay ko. And all my efforts are just gone to waste.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon