CHAPTER 1

112K 1.9K 151
                                    

Antonia's POV

Alas sais pa lamang ng umaga ay nakagayak na ako upang pumasok sa trabaho.
Suot ang plantsado kong uniporme na pinapatungan ng itim na leather jacket, pinaresan ko pa nang kumikintab na itim na sapatos—bulag lang ang magsasabing hindi pa ako ready to go para sa aking panibagong umaatikabong misyon.

Muli kong sinipat ang aking sarili sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding ng aking kuwarto saka pinahiran nang kaunting lipstick ang aking mga labi, pagkatapos ay ngumuso. Pouty lips daw ang tawag doon sabi pa ng mga bagets.

"Ganda mo talaga, Antonia!" nanggigigil na kausap ko sa aking repleksyon sa salamin. Mukha akong timang pero ganoon ang estilo ko nang pagpapalakas ng loob sa sarili para magampanan nang mabuti ang aking trabaho.

Isa akong pulis. Take note, dakilang pulis. Maraming akong naririnig na negatibong komento sa uri ng trabahong pinasok ko dahil nga babae raw ako. Baka raw hindi ko magampanan nang maayos ang aking napiling propesyon. Baka raw hindi kayanin ng loob at katawang lupa ko ang pressure ng pagiging pulis. At baka umiyak lang daw ako kapag nagkaputukan na at magsumbong sa tatay ko.

Baka...baka...baka. Ang daming "baka". Hindi ba puwedeng kalabaw naman para maiba?

Sa mundong punong-puno ng mga taong feeling Chief Justice sa Supreme Court kung makapanghusga ng kapwa, hindi na ako magtataka kung pati ako'y hindi pinapalampas husgahan. Uso pa rin ang mga double standards at stereotypes kahit naglipana na ang mga tablets, smartphones, smart watch, smart TVs at etc. Buti pa nga ang mga gadgets, smart. Ang ibang tao—nevermind!

Ang nakaraan ay lumipas na, move on na tayo sa present and future. Lipas na ang panahon na tanging ang mga lalaki lang ang nagtatrabaho at ang mga babae ay nasa bahay at nagpapabebe. Sa panahon ngayon, kaya na ring gampanan ng mga babae ang tungkulin ng mga lalaki!

At ako nga ang patunay, diba? Keri ko naman ang pagiging pulis. Kaya kong tumbasan ang kakayahan ng isang lalaking pulis. Tumagal ako sa trabahong ito na kumpleto pa rin naman ang mga paa at kamay, at higit sa lahat, nasa tamang kataniuan pa.

Actually, matagal ko nang pangarap na maging parak. Bata pa lamang ako'y fascinated na ako sa uniporme ng mga pulis at sa uri ng trabaho na mayroon sila. Isa rin kasing dakilang pulis ang aking ama—o Poppsy kung tawagin ko—bago siya nagretiro.

Ang aming lugar ay dating pinamumugaran ng mga notorious na kawatan at drug addicts.
Ang Barangay Patay.
Marami ang natuwa nang madestino ang aking Poppsy sa lugar na ito kasunod nang paglipat ng aming buong pamilya. Bumaba raw ang bilang ng krimen nang maging hepe ang aking Poppsy.

Istrikto si Poppsy sa pamamalakad ng kaayusan sa aming lugar noon. Hindi rin siya sumasanto ng mga big time criminals. Kapag sumabit sa isang malaking krimen, kahit malaking role pa ang ginagampanan mo sa gobyerno, hindi ka sasantuhin ng Poppsy ko.

Hindi sa pagmamayabang, napakahusay na pulis ng aking Poppsy. Tapat siya sa tungkulin at ni minsan ay hindi nagpadala sa suhol at pananakot ng mga nakabangga. Sa katunayan ay sa kanya ako humugot ng inspirasyon para maging pulis. Gusto ko ring maging katulad niya, tagapagtanggol ng mga naapi at tagapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bansa.

"Antonia, ano ba't kanina ka pa riyan nakatitig sa salamin? Baka gusto mo nang ikuwentas 'yan at baunin sa trabaho?"

Napadako ang tingin ko sa may pintuan nang marinig ang boses ng aking pinakamamahal na ama. Nakapamaywang siya habang nakatingin sa akin. Agad ko siyang nilapitan saka niyakap nang mahigpit. Nahuli ko pa ang pag-ikot ng mga mata niya ngunit gumanti naman ng yakap.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon