Chapter 45

51.9K 1K 109
                                    

Antonia's POV

"Your beloved boyfriend is coming to save your mother-fuckin'-ass, Princess."


Kahit masikip at mainit sa lugar na kinaroroonan ko'y rinig na rinig ko ang boses ni Dra. Caitlyn habang kausap ang nakagapos na si Tracy. Nakahandusay si Tracy sa sementadong sahig habang nakagapos ang mga kamay at paa at may busal sa bibig. Nagpupumiglas siya ngunit hindi makagalaw ng maayos dahil sa pagkakatali.

Nasa loob ako ng kisame at nakamasid sa kanila. Kitang-kita ko sila mula sa maliit na butas na ginawa ko. Kanina pa ako doon at nakaantabay. Dumaan ako mula sa bubungan at naghanap ng daan papunta sa kuwartong iyon. Nasa isang lumang building nagkukuta sina Dr. Caitlyn at ang mga kasamahan niya. Doon nila dinala si Tracy.

Napag-alaman naming pagmamay-ari ng pamilya ni Dra. Caitlyn ang building. Dati itong commercial building na nalugi at ipinasara. Nagmistula iyong abandonadong establisyemento dahil wala ng umuukopa. At mukhang sinamantala iyon ng doktora at doon nagkuta.

Masasabing walang karanasan ang doktora sa ganitong gawain. Mukhang first time niyang gawin ang pangigidnap. Ang isang kidnapper na may alam sa ganitong larangan ay hindi agad magpapahuli, bagkus magtatago ito sa isang lugar na hindi agad matutunton ng mga awtoridad. Ang building na kinaroroonan namin ay nasa gitna pa ng malaking mall at eskuwelahan. Mabilis matunton.

Umilaw ang cellphone kong Cherry Mobile, tanda na may nagpadala sa akin ng mensahe. Galing sa kasamahan ko ang mensahe, hudyat iyon na nakarating na sila sa area. Nagbilin uli ako sa kanilang kahit anong mangyari ay huwag pababayaan si Dr. Achilles. Kinakabahan talaga ako kanina pa. Hindi naman ako ganito sa mga naging misyon namin dati.

Baka may mangyari sa kanya. Huwag naman sana, Lord!

Ibinalik ko ang atensyon kina Dra. Caitlyn. May kasama siyang limang kalalakihan na pawang may dalang armas. May sinasabi pa siya kay Tracy na hindi ko pinagtuunan ng pansin, saka biglang tumawa ng malakas. Mayamaya ay tinadyakan niya si Tracy. Napaungol ng malakas ang babae tanda na nasaktan ito.

Aray! Ang shakeet niyan, Besh!

Hindi ko alam kung bakit nandito ako't pinipilit ang sarili kong pangunahan ang misyong ito. Si Tracy ang pinakamatinding karibal ko sa puso ni Dr. Achilles at siyang dahilan ng matinding kabiguan ko sa pag-ibig. Anong pumasok sa kukute ko't nagpapakabayani ako upang iligtas siya? Dapat matuwa ako't mawawalan na ang pinakamalaking asungot sa buhay ko.


Dahil busilak ang iyong kaloobang tumulong sa kapwa, Antonia. Hindi ka nagpapadaig sa selos. Mabuti kang tao, tandaan mo 'yan!
kumbinsi ko sa sarili.


"Ihanda n'yo na ang sarili n'yo at darating na si Dr. Achilles. Ang babae lang na 'to pala ang susi upang mapasakamay ko ang lalaking 'yon. Sana'y matagal ko na palang kinidnap ang malanding Tracy na 'to," ani Dra. Caitlyn sa mga kasamahan.


Oo, malandi talaga 'yan!


Natampal ko ang mukha dahil sa naisip. Ano bang kalokohan ang naiisip ko? Dapat makisimpatya ako kay Tracy!



"Bakit ba obsessed na obsessed ka sa lalaking 'yan, Caitlyn? Ang dami namang lalaking nagkakagusto sa 'yo, a! Bakit ipinagpipilitan mo sarili mo sa kanya?" anang isa sa mga kasamahan niyang lalaki na nakasuot ng cap.


"Dahil hayop siya, silang lahat ng mga kapatid niya! Matapos kong magpakabaliw sa kanya, tatanggalin lang nila ako sa ospital? At hindi pa sila nakuntento, pati lisensyang pinaghirapan ko pinawalang bisa nila!"


"Paano naman mangyayari 'yon, eh, wala ka namang ginagawang masama?"


"Exactly! They are bunch of evil rich siblings who have numerous connections! They can manipulate everyone in just a snap!"


Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon