Chapter 31

44.1K 1K 24
                                    

Antonia's POV

"Antonia?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Hindi kasi ako magkamayaw sa pagbitbit ng mga malalaking bayong na lagayan ko ng mga paninda para ilako na naman dito sa ospital. Gumawa na naman ako ng mga kakanin na lingid sa kaalaman ni Dr. Achilles. Hangga't hindi ko pa  kasi napapasakamay ang suweldong ipinangako niya, hindi ako titigil sa pagkayod para sa pamilya ko!

Parang gusto kong magtago sa loob ng mga bayong nang makita si Esmeralda. Sa lahat naman ng puwedeng makakita sa akin, siya pa! Baka isumbong ako kay Dr. Achilles. Tiyak lagot na naman ako sa amo kong masungit.
Hindi pa naman siya nag-iisa. May kasama siyang babaeng mukhang manggagamot dahil may suot na puting coat.

"K-kumusta, Esmeralda?" alanganing bati ko sa kanya. Mabilis kong itinago sa likuran ko ang mga bayong.

Nakangiti siya habang lumalapit sa akin.
"How are you? Ang tagal na nating hindi nagkita. Kumusta ka na?"

Ang ganda talaga nitong si Esmeralda. Mukha pa rin siyang blooming at sariwa kahit parang pinagbagsakan na siya ng langit at lupa dahil sa nangyari sa anak niya. Ako nga kahit magbabad lang nang kaunti sa init ng araw ay mukha nang nagahasa ng sampung manyak.

"Eto, d-dumadalaw sa tatay ko. Andito kasi ang P-poppsy ko at naka-confine din," sagot ko.


"Narinig ko nga kay Archimedes. Naikuwento niya kasi sa akin minsan na tinulungan ka raw ni Kuya Achilles sa pagpapa-opera sa tatay mo."

Daldal ng Archimedes na 'yon a!

"Oo, nagpapasalamat nga ako ng marami kay Dr. Achilles sa tulong niya sa Poppsy ko."

Ngumiti ng pilya si Esmeralda na parang kinikilig. "Kaya ba na-inlove ka kay Kuya Achilles?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"What? Did I miss something here?" singit ng kasama niyang doktora na mukhang na out-of-place sa topic namin ni Esmeralda.

Saka ko lang napagtuunan ng pansin ang babae. Maganda siya at matangkad. Kaso parang may kakaiba sa mukha niya...magkahawig sila ng mga mata ni Dr. Achilles. Iyong ilong naman niya'y kasing tangos n'ong kay Dr. Arthur. Ang mga labi niya'y kasing kapal ng kay Dr. Archimedes. Parang nagsanib puwersa ang mukha ng tatlo at naging hitsura ng babaeng 'to.

Nakangising ipinakilala naman ako ni Esmeralda. Kung para saan ang makahulugang ngisi na 'yon ay siya lang ang nakakaalam.
"Ay, hindi ko pa pala siya naipakilala sa 'yo, Drew. Siya si Antonia, girlfriend ni Kuya Achilles!"


Pinandilatan ko ng mga mata si Esmeralda.
Lalong nalito ang babaeng tinawag na Drew.

"Woah, wait a sec! Seriously? Kuya has a new lover? What happened to Trac—"


Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mabilis na pagsiko ni Esmeralda sa babae. "Ano ka ba, Drew? Past is past. Siya na ang nagmamay-ari ng puso ni Kuya ngayon."

Diyos ko, Esmeralda! Huwag kang nagpapakalat ng fake news!


Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang mag-deny sa sinasabi ni Esmeralda kahit alam kong mali ang inaakala niya. Palihim kasi akong kinikilig. Pero alam kong niloloko ko lang sarili ko dahil imposibleng maging kami ni Dr. Achilles.

Napatingin ako sa mangaggamot na babae, bigla siyang napangiti na parang may kalokohang naiisip pagkatapos ay naglahad ng kamay sa akin.

"I'm Andromeda, Drew for short. I'm Achilles' one and only little sister. Nice meeting you, Antonia."

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon