Chapter 43

51.5K 1.1K 140
                                    

Antonia's POV

Gusto ko sanang magsaya dahil nasa Carnival ako, punong-puno ng makukulay na ilaw, maraming palaro, maraming pagkain, maraming tao at maraming mga rides. Kahit naman naging pulis ako't medyo astig ng pumorma, nananatili pa rin sa puso at isipan  ko ang pagiging bata.

Pero paano ako makakapag-enjoy kung hindi ako mapakali sa presensiya ni Dr. Achilles? Kahit anong gawin kong pag-iignora sa kanya at pagtuunan ng pansin si Warren, talagang sumisingit 'tong si Dr. Achilles at umeepal. Hindi ko rin naman siya magawang iwan ng tuluyan dahil maraming tao doon. Baka kung mapaano siya.
Ang susyal pa naman ng damit na suot niya, hindi bagay sa pang-jologs na karnibal.

Bumili kami ng cotton candy kanina. Sarap na sarap kami ni Warren samantalang ang magaling na si Dr. Achilles isang subo lang ay naumay na. Ang ending, sa akin pinaubos ang cotton candy na binili. Hindi ko maintindihan kung bakit nagpupumilit siyang sumama sa amin doon kahit alam ko namang hindi 'yon ang comfort zone niya.

Ngayon ay tumigil kami sa isang booth kung saan babarilin mo ang naka-display na mga laruang sundalo na nakahilera. Medyo may kaliitan ang mga sundalong laruan kaya mahirap matamaan ng maliit na bala ng pellet riffle. Isang malaking stuff toy na Mickey Mouse ang premyo kapag natamaan ang lahat ng mga sundalong 'yon. Mga chichirya naman ang premyo kapag kaunti lang ang natamaan.

Sumubok si Warren, gusto raw niyang makuha ang jackpot at ibigay sa akin. Sinuportahan ko naman siya. Ngunit halatang hindi masyadong marunong si Warren gumamit ng baril. Kahit anong asinta niya ay hindi niya matamaan lahat. Isang pakete ng Chippy pa lang ang nakukuha niya. Ganunpaman ay pumalakpak pa rin ako.

"Your boyfriend is so lame. Tsk," narinig ko na namang patutsada ni Dr. Achilles sa tabi ko.

Nandoon pa rin siya't nakahalukipkip na nakaismid. Inismiran ko rin siya.

"Doktor siya, hindi pulis. Natural lang na hindi siya marunong gumamit ng baril," sagot ko sa kanya.

"But I can...and I'm a surgeon. Take note, a heart surgeon, not some dumbass Gynecologist!"

"Hindi lahat ng tao pare-pareho. Manahimik ka na lang diyan!"

Hindi pa rin tumigil ang loko.
"Is this the kind of guy you want? A dimwit, wimpy OB gyne doctor who doesnt even know how to use a fake gun?"

"Inaano ka ba ni Warren? Bakit ang dami mong patutsada sa kanya?"

"Kasi niloloko ka lang niy—"


"Hindi niya ako niloloko! Ikaw lang ang nagsasabi niyan! Ikaw lang ang taong mahilig manloko, huwag kang nandadamay!" asik ko sa kanya.

Namula ang mukha niya sa inis.
"Hindi kita niloko!"

"A talaga ba? Hindi pala panloloko 'yong ginawa mo sa akin? Eh 'di wow!"

Hindi na siya umimik ngunit ramdam kong galit pa ring siyang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at patuloy na pumapalakpak sa mga dumadaplis na tira ni Warren. Parang gusto ko na ring batukan 'tong si Warren. Hindi ko alam kung bakit nagpapakitang gilas pa siya eh halata namang hindi siya marunong tumira. Lalo tuloy siyang naging katawa-tawa sa mga mata ng amo niya.

Nang sa wakas ay sumuko na siya, lumapit siya sa akin at alanganing ngumiti. Inabot niya sa akin ang Chippy na napanalunan. Malugod ko naman 'yong tinanggap. Tinapik ko ang balikat niya para palakasin ang kanyang loob.

"Pasensiya na. Sablay akong tumira."


"Hayaan mo na. Magaling ka naman, kailangan mo lang ng practice," palubag loob ko.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon