Chapter 26

46.8K 1K 40
                                    

Antonia's POV

Dahan-dahan kong inahon ang mainit na kaserola sa stove, ingat na ingat na huwag makagawa ng ingay. For the first time ay hindi ako nakalaglag ng mga gamit panluto o mga kubyertos sa sahig. Usually kasi ay clumsy ako gumalaw at kung ano-ano na lang ang nahahagip ng kamay ko tapos nahuhulog sa  sahig.

Ngayon ay sinigurado kong mag-iingat na. Bakit? Kasi ayaw kong magising ang bugnotin kong amo na mahimbing na natutulog sa mga oras na 'to. Hindi ko pa kasi alam kung anong mukha ang maihaharap ko matapos naming magtukaan kagabi. Nahihiya ako na kinikilig na natatakot na kinakabahan na ewan!

Napahawak ako sa dibdib. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Pinalasap lang naman kasi ng magaling kong amo ang pinakamasarap na halik sa buong universe ever. Pinakamasarap dahil wala pa naman akong ibang nahahalikang lalaki magmula nang iluwal ako ng Mommsy ko sa mundo.

"Grabe 'yon. Ang sarap humalik ng mokong na 'yon. Bitin na bitin ako," sabi ko sa sarili.

Pero sa kabila ng pangyayaring 'yon, wala naman akong pinagsisisihan. At least may first kiss na ako. At sa guwapo at makisig na si Dr. Achilles pa! Babaunin ko 'yon hanggang pagtanda ko. Ikukuwento ko 'yon sa mga anak at mga apo ko. Kung magagalit man siya pagkagising niya, bahala siya sa buhay niya. Basta naka-i-score na ako sa kanya!

Napapangiti akong mag-isa. Pagpihit ko ay muntik ko nang mabitiwan ang dalang kaserola nang makita si Dr. Achilles na nakahalukipkip at nakasandal sa hamba ng pinto. Matiim siyang nakatingin sa akin. Kinabahan ako. Hindi tuloy ako makakilos. Natitigilan ako habang nakatingin din sa kanya.

"Have you been struck by a lightning?" ngingiti-ngiting tanong niya, tonong nanunudyo.

Tadong 'to. Sinong 'di matitigilan kung tititigan ka ng lalaking bet na bet mo?

Agad akong nagbawi ng tingin saka inilapag ang kaserola sa mesa.
"G-gising ka na pala. K-kain na," sa halip ay sabi ko.

Humakbang na siya papunta sa dining table. Ako naman ay nagkunwaring busy at naglagay ng mga plato at utensils sa harapan niya. Hindi ko mapigilang manginig, malamang dahil sa kilig. For the first time ay tila sumikip ang buong kusina kahit kami lamang naman ang nandito. Parang hindi ako makahinga.

Nang umupo ako sa tabi niya para magsimula na ring kumain ay nahuli ko siyang naktingin na naman sa akin. Nakangisi. Kinilabutan ako.
Kagabi pa siya ganyan. Matapos niya akong halikan ay walang salitang pumasok na siya ng kotse at nagdesisyong umuwi. Ni hindi nag-explain kung bakit niya ako hinalikan nang ganoon. Tapos ngayon kung makatingin parang may pagtingin.


"Bakit ganyan ka makatingin?" inis na tanong ko.

"Because...why not?" nakangiting sagot niya. Maganda sana sa pakiramdam ang makita siyang ganoon kaaliwalas pero kung dahil nang-aasar lang siya ay talagang buwesit siya!

"Anong why not? Umamin ka nga sa akin, may gusto ka na ba sa akin? Nadevelop ka na ba sa akin?"

Humagalpak siya ng tawa. Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Nakakatawa? Nakakatawa ha?" Napikon ako sa tawa niya. Nakakatawa ba ang ideyang magkagusto siya sa akin?

"God, Antonia, you are so hilarious," nakangisi pa ring sabi niya.


"Hah! Kung makatawa ka r'yan, kung 'di ko pa alam, sarap na sarap ka sa halik ko kagabi!"
inis na sabi ko saka nagsimula ng sumubo.


Ang lakas na naman ng tawa niya. Bakit ba naiinis ako sa tawa niya? Tunog nang-aasar, nanunuya.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon