Chapter 24

43.9K 986 26
                                    

Antonia's POV

Masarap pa lang maging ka-date 'tong si Dr. Archimedes, bubusugin ka sa pagkain. Andito ako ngayon sa buffet ng birthday party at hindi magkamayaw sa pagkuha ng pagkain. Namangha ako kasi ito ang unang pagkakataon na nakadalo ako sa ganito kabonggang selebrasyon.

Pumayag akong maging ka-date ni Dr. Archimedes sa gabing 'to. Sinugurado ko sa kanyang walang ibang ibig sabihin ang pagpayag ko. Na wala akong paghanga sa kanya at baka umasa siya. Natawa lang siya sa sinabi ko. Mabuti na kasi 'yong klaro para walang hard feelings after.

Nangako naman siyang tutulungan akong ipagtapat ang totoo kina Esmeralda at Dr. Arthur. Wala siyang matinong sagot kung bakit ako ang gusto niyang gawing date sa gabing 'to samantalang ang daming nagagandahang mga babae sa party. Ang sabi lang niya'y mukha raw exciting ang company ko. Hindi na ako nagtanong pa basta ba ay pakainin niya ako dahil kanina pa ako nagugutom.

At 'yon nga dinala niya ako sa buffet. Panay masid niya sa paligid. Mukhang may hinahanap. Kapag napapatingin naman siya sa akin ay agad siyang ngumingiti. Hindi madamot sa ngiti ang lalaking 'to hindi katulad ng kuya niyang si Dr. Achilles. Speaking of the devil, nasaan na kaya 'yong lalaking 'yon?

"Can I leave you for a while, if you dont mind, Antonia?" ani Dr. Archimedes sa akin.

Hindi ako makasagot dahil puno ang bibig ko ng pagkain. Nag-thumbs up lang ako sa kanya. Mabilis naman niya akong iniwan. Sinundan ko siya ng tingin. May nilapitan siyang babae. Napailing-iling ako. Lalaki talaga. Bigla akong naubo nang may bumarang pagkain sa lalamunan ko. Mabilis akong naghanap ng tubig. Mabuti na lamang at may lalaking nag-abot sa akin ng isang baso ng juice.

Dineretso kong lagok ang juice hanggang sa maitulak nito ang bumarang pagkain sa lalamunan ko. Nakahinga ako nang maluwag. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nag-abot sa akin ng juice. Isa na namang pinagpala sa kaguwapuhan. Chinito at makisig. Nginitian niya ako saka hinimas ang likod ko.


"Take it easy..."

Medyo nailang ako at lumayo nang kaunti sa kanya. Oo, guwapo siya pero hindi ko siya kilala.

"S-salamat," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"It's okay. I was watching you from a far," aniya.

Namula yata ako sa sinabi niya. Kapag ganito kaguwapo ang magmamasid sa akin, sino ba namang hindi kikiligin? Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Nahihiya na tuloy akong sumubo uli.

"Kain ka," sa halip ay sabi ko saka itinaas ang platong hawak ko.

"Nah. Go on. I love staring at you while eating," nakangiting sabi niya.

"Nakakahiya naman. Mukha ba akong baboy lumamon?"

Ang lakas ng tawa niya. Nawala ang ilang ko sa kanya. Mukhang magaan siyang kasama.

"You're funny. I like you," direktang sabi niya.

Namula yata pati kuko ko sa paa sa sinabi niya. Like niya raw ako. Bolero din tong lalaking 'to eh. Hindi pa nga ako kilala. Si Dr. Achilles nga hindi ako gusto kahit araw-araw kong kasama.

"By the way, I'm Warren. Warren Fong," pakilala niya saka naglahad ng kamay.

Kinamayan ko rin siya. "Antonia. Antonia Dimaculangan."

"Are you related to the Alarcons? I saw you with Archimedes a while ago."

Mabilis akong umiling. "Hindi. Bisita lang din ako dito."

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon