Chapter 49

52.8K 1K 138
                                    

Antonia's POV

Iminulat ko na naman ang mga mata. Nasilaw na naman ako sa liwanag, ngunit this time, liwanag na nagmumula sa bombilya ng kisame. Pinakiramdaman ko ang sarili, taliwas sa gaan ng katawan ko kanina noong una akong magising sa isang hardin, pagod na pagod ang katawan ko ngayon. Tila wala akong lakas para gumalaw.

Gusto ko sanang pumikit ulit ngunit naririndi ako sa ingay ng kung ano-anong aparato. Nagpasiya akong tuluyang bumangon. Agad ko naman pinagsisihan ang pagbangon ko dahil bigla akong nahilo. Dagdag pa sa uncomfort ko ang malakas na buga ng hangin na pumapasok sa ilong ko mula sa oxygen mask. Agad ko iyong tinanggal sa mukha ko saka inihagis sa kung saan.

Eksakto namang naglanding 'yon sa ulo ng natutulog na lalaki sa tabi ng kama ko. Si Junior. Agad siyang naalimpungatan saka napatingin sa akin. Halos mahulog siya sa mono-bloc chair na kinauupuan nang makitang gising na ako. Mabilis siyang lumapit sa akin habang teary-eyed ang mga mata. Dinaig pa ang nag-audition sa Star Hunt kung umiyak.

"Ate! Salamat sa Diyos at gising ka na! Ayos ka na ba?" alalang tanong niya.

"Hindi! Nauuhaw ako...nagugutom...nahihilo. Anong ginawa n'yo sa akin? Pinalipasan n'yo ba ako ng gutom? Ang sama ng mga ugali ninyo!" mahinang singhal ko sa kanya.

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ikaw nga! Nagbalik ka na nga! Ikaw nga ang Ate Antonia ko!" humahagulhol na sabi niya.

Nagtataka ako sa ikinikilos niya. "Ako nga! Sino pa ba? Kamukha ko lang si Liza Soberano pero ako pa rin 'to!"

Bigla siyang kumalas sa akin. "Teka, tawagan ko lang si Bayaw! Tiyak matutuwa 'yon kapag nalaman niyang gising ka na! Isang buwan ka ring na-comatosed, alam mo ba 'yon?"

Comatosed? Bayaw?

Akmang iiwan ako ni Junior nang pigilan ko ang kamay niya.
"Teka nga, anong ibig mong sabihin? Anong comatosed? Sinong bayaw?"

"Wala ka bang naaalala sa mga nangyari? Nabaril ka raw sa operasyon n'yo sabi ng mga kasamahan mo. Eksaktong nandoon si Bayaw at iniligtas ka sa tiyak na kamatayan."

"Sinong bayaw?" naguguluhan pa ring tanong ko.

Napakamot siya ng ulo. "Nakalimutan mo na ba ang dyowa mo? Siguro dahil 'yan sa sandamakmak na anesthesia at pain killers na itinurok sa 'yo."

"Sinong dyowa?!" napipikon nang tanong ko sa kanya.

"Si Dr. Achilles!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Hindi ko sabi dyowa 'yon! Walang kami!"

"Ikaw, grabe ka talaga. Iniligtas ka na nga n'ong tao tapos kinargo niya pa lahat ang gastusin mo sa ospital na 'to, ganyan pa asal mo. Alam mo bang ilang linggo ka naka-confine sa ICU bago ka inilipat dito? Milyones na bayarin natin kung hindi lang sa kabutihan ni Dr. Achilles!"

Lalo akong nahilo sa sinabi niya. Milyones na ang utang ko sa lalaking 'yon? Saang kamay ng Diyos ko kukunin ang halagang 'yon?
Iginala ko ang paningin sa paligid, nasa isang kuwarto kami na katulad n'ong pinag-admitan kay Poppsy dati. Executive Suite yata ang tawag dito. Walang ibang tao kundi kami lang dalawa. Hinawakan ko nang mabuti ang kamay ng kapatid ko.

"Makinig ka sa akin, Junior, hindi ba't nag-aral kang mag-nurse?"

Tumango siya.

"Tanggalin mo lahat 'tong nakakabit sa katawan ko at tulungan mo akong magpaalam sa mga nurse sa labas na uuwi na ako. Siguraduhin mong hindi 'to malalaman ni Dr. Achilles, naiintindihan mo?"

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon