Chapter 44

51.8K 1.2K 233
                                    

Antonia's POV

Naalimpungatan ako sa lamig ng aircon na nanunuot sa katawan ko. Nakahiga ako sa backseat ng sasakyan at nakahubo't hubad. Tanging ang makapal na coat lamang ni Dr. Achilles ang nakabalabal sa aking katawan. Mag-isa lamang ako sa loob ng sasakyan.

Bumangon ako't tiningnan ang labas ng bintana. Madilim pa rin sa labas. Agad ko namang namataan si Dr. Achilles sa labas ng sasakyan habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa direksyon ko. Gusto ko siyang tawagin ngunit ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

Na bumalik siya sa loob at samahan ako? Na nilalamig ako't gusto kong yakapin niya uli ako? Na pagsaluhan namin uli ang pinagsaluhan namin kanina? Kinilabutan ako sa iniisip. Napakamot na lang ako ng ulo. Kailangan ko na yatang magpa-rehab. Naaadik na yata ako sa lalaking 'to. Isang halik niya lang kasi ay nawawala na ako sa katinuan.

"Ikaw lang yata ang tanging babae sa mundo, Antonia, na pinagbantaan na nga, nagpa-tsukchak pa!" inis na sabi ko sa sarili.

Napatingin ako sa digital clock sa may dashboard ng sasakyan, mag aalas-sinco na pala ng umaga! Tiyak kong alalang-alala na sina Poppsy ngayon at hindi ako umuwi! Mabilis kong ibinaba ang salamin ng bintana at tinawag si Dr. Achilles.

"Psst—"

"What? Dont you dare hurt her, Caitlyn! I swear to God you're not gonna like me when I get mad!"


Natigilan ako sa narinig. Hindi yata't tinatawagan si Dr. Achilles ni Dra. Caitlyn.
Ibang klase din 'tong lalaking 'to, siya na ang nakikipag-bargain sa kidnapper, siya pa ang malakas ang loob magbanta.


"No! Just let me talk to her!...Yeah...I wanna talk to her!"

Nanatili akong tahimik na nakikinig. Nang umiba ng posisyon si Dr. Achilles ay mabilis na nagtago ako sa ilalim ng bintana para hindi niya ako makita.

"Tracy? Tracy! Oh, thank God you're safe, Babe. Are you alright? Did they do something to you?"

Na-curious uli ako at sumilip sa kanya. Kitang-kita ko kung gaano siya nag-alala kay Tracy. Hindi siya mapakali habang kausap ang babae sa telepono. Buti't hinayaan ni Dra. Caitlyn na mag-usap ang dalawa. Kung ako ang kidnapper, nek nek ni Dr. Achilles!


"What? Oh, I'm gonna kill that bitch! Hang in there, Babe. I'll make sure Caitlyn will pay for this. Trust me...I'll do everything to find you..."

Medyo kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Katatapos lang naming magniig ngunit hayon siya't may ibang tinatawag na "babe".


"I'll be right there, Babe. I'll come to you soon. I dont know when and how but I'm going to save you even if it takes me my life...dont cry. I'm here...I missed you too. I...I love y-you..."

Aray!

Biglang bumigat ang loob ko sa narinig. Nag-iinit ang mga mata ko lalo na nang masaksihan ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Nakakuyom na ng mahigpit ang kanyang kamao. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka determinado. Ganoon ka importante sa kanya si Tracy.

Ganoon katindi ang karibal mo sa puso ng lalaking 'yan, Antonia.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga sa upuan ng sasakyan. Pinahid ko ang mga luha. Ewan ko ba kung bakit pa ako nasasaktan eh wala na ngang space for new heartache ang puso ko. Matagal na 'tong ninanaknak ng sugat. Napabuntong hininga na lang ako at nagkunwaring natutulog.

Mayamaya ay bumukas ang sasakyan at pumasok sa driver's seat si Dr. Achilles. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang paghingal niya sa galit. Nasuntok niya pa nang malakas ang manibela. Sinamantala ko 'yon at nagkunwaring nagising. Tinakpan ko ang sarili ko ng coat niya. Agad naman siyang napalingon sa akin.


Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon