Chapter 39

48.6K 1K 100
                                    

Antonia's POV

Lasing ka, Antonia! Lasing ka!

Lasing ba talaga ako kaya ko hinahayaan si Dr. Achilles na lapastanganin ang katawan ko? Pero kung ganito naman kasarap lapastanganin ng lalaking 'to ay hindi ko siya pipigilan. Alam kung mali 'tong ginagawa namin lalo pa't hindi naman ako ang gusto niya, si Tracy.

Kumalas ako sa mainit naming halikan. Halatang hindi niya nagustuhan ang pagkaputol ng halikan namin dahil hinabol niya ulit ang mga labi ko ngunit umiwas ako. Pinalo ko pa ang kamay niyang malikot na gumagapang sa hita ko.

"Ouch!" daing niya.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Inirapan ko siya at tangka siyang itutulak ngunit hinuli niya uli ang mga labi ko. Hindi pa siya nakuntento at ibinaba ang kanyang labi sa leeg ko. Kinilabutan ako sa sarap. Bumaba nang bumaba ang mga labi niya hanggang sa hatakin niya ang bra ko.

Nanlaki ang mga mata ko't pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib.

"A-anong ginagawa mo? K-kahit si Warren hindi ko pin—"

Natigilan ako nang makitang bumagsik ang hitsura. Natakot tuloy ako.


"What did you say? Did you have sex with Warren?!" pasigaw niyang tanong.


"H-hindi 'no! A-ang ibig kong sabihin h-hindi ko siya hinayaang m-magkabit ng ECG sa dibdib ko! Wala pang lalaking nakakakita ng dibdib ko!" mabilis kong sagot.


Hindi nawala ang dilim ng mukha niya ngunit dahan-dahan niyang inalis ang kamay kong nakaharang sa dibdib ko. Napilitan akong tanggalin ang mga kamay ko at baka lalo siyang magalit. Napapikit na lang ako upang huwag makita ang mukha niya. Ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko na siya naramdamang gumalaw. Nang idilat ko ang mga mata ay mariin siyang nakatingin sa akin.


"I want you to look me in the eyes while we're doing this. I want you to feel it too," maawtoridad na sabi niya.


Napakagat labi ako. "G-gagawin ba talaga natin 'to?"

"Do you want it?"

Napalunok ako. Nagdadalawang isip talaga ako pero kung ito na ang pagkakataon ko para maranasan 'to sa kanya, bakit pa ako tatanggi? Kahit isang gabi lang, okay na sa akin. At least may alaala akong babaunin mula sa kanya. Kahit sa likod ng isip niya'y hindi naman ako ang nandoon.

Marahan akong tumango.
It's now or never, Antonia! Kaya mo 'yan!

"Don't worry, I'll make it gentle. I will make sure this will be the best night of your life."

Tila umepekto ang reassurance niya dahil nawala ang pagkabagabag ko. Nang bumaba ang mga labi niya sa mga labi ko'y awtumatikong napapikit ako. Ang sarap talaga ng kanyang mga labi, malalaman mo talagang eksperto siya. Hindi ako nagpahuli at tinumbasan nang mas higit pa ang kanyang mainit na halik. Gusto ko siyang makuntento at masiyahan.

Lumalim nang lumalim ang halikan namin. May pagkakataong naghihiwalay ang mga labi namin at nagkakatinginan kami sa mga mata tapos magtatagpo uli. Parang matagal na kaming uhaw sa isa't isa at ngayon lang napawi. Niyakap ko siya nang magigpit.


Dumako ang mga labi niya sa punong tenga ko, kinagat-kagat iyon.
"You're so sweet, so lovely...oh, baby..."


Hindi ako sumagot sa mga matatamis niyang salita. Panay sambit niya ng "baby" sa akin, hindi naman 'yon ang tawag niya sa akin. Malamang si Tracy ang iniisip niya. Nagpatay malisya na lang ako at ninamnam ang mga halik niya. Ang mahalaga ay nararanasan kong makulong sa mga bisig niya at mahalikan ng kanyang mga labi.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon