Chapter 19

43.6K 983 16
                                    

Antonia's POV

"Perfect!" tuwang-tuwa na sabi ko nang matapos sa pagbabalot ng mga puto at kutsinta. Handa na akong ideliver ang mga 'yon sa ospital mamaya.

Hindi ko 'yon idineliver sa ospital kahapon dahil ayaw ni Dr. Achilles na umalis ako at iwan siya. Sino raw ang magbabantay sa kanya kung aalis ako? Ang ginawa ko'y maya't mayang tinatawagan si Junior at Pippa upang makibalita sa kalagayan ni Poppsy. Naiyak pa ako nang mag video call kami kagabi at nakita ang nakaratay sa kama na si Poppsy.

Pero panatag naman ang loob ko na magiging maayos ang kalagayan ng Poppsy ko. Maganda naman daw ang vital signs at kung ano-ano pang chuchu ni Poppsy ayon pa kay Dr. Jacinto na kinausap ko kagabi sa cellphone. Tsaka, pulido rin daw gumawa ng operasyon si Dr. Achilles. Ni minsan ay hindi pa siya pumapalpak sabi ng doktor. Kaya hindi ako masyado nag-aalala sa kahihinatngan ng operasyon ni Poppsy.

Ayaw kasing magkuwento ni Dr. Achilles. Laging aburido sa akin 'yong taong 'yon, hindi ko alam kung bakit. Sinisinghalan ako kapag may kaunti lang akong itinatanong. Bawat buka ng bibig ko, naiirita siya. Ang boring kaya ng bahay niya. Ako nga lang ang nakakapagdala ng sigla dito, eh. Kaysa makunsimisyon sa manggagamot ay gagawin ko na lang productive ang araw ko.

Napagpasiyahang kong ngayon bumisita sa ospital. Tulog pa ang manggagamot nang magising ako kanina. Ipinagluto ko na siya ng agahan at naglinis na rin ako ng bahay. Ang mga paninda ko ay inilagay ko na sa paper bag. Hindi ganoon kalaki ang kikitain ko sa pagtitinda ng kakanin pero malaking tulong na rin 'yon sa araw-araw naming gastusin sa bahay.

Binitbit ko na ang paper bag at handa nang umalis nang biglang mabungaran ko ang bagong gising na si Dr. Achilles sa sala. Napalunok ako nang mapagmasdan ang kanyang anyo. Nakahubad siya at tanging boxer shorts lang ang suot. Magulo pa ang kanyang buhok at may nakasabit na tuwalya sa kanyang balikat. Hindi tuloy ako makakilos.

Talaga namang walang tulak kabigin ang kaguwapuhan at kakisigan ng lalaking 'to. Pulis ako pero bihira lang ako makakita ng kabaro kong lalaking pulis na ganoon kakisig. Naglalakihan nga ang mga tiyan ng mga kasamahan ko, eh. Ako lang yata ang matiyagang nag-eehersisyo araw-araw sa istasyon namin.


"Where are you going?" kunot noong tanong ni Dr. Achilles.

Mukhang wala na naman sa hulog ang lalaki. Kahit bagong gising o maghapong gising, walang mintis ang kasungitan niya.
Imbes na ma-badtrip ay ginantihan ko siya nang malawak na ngiti. Ganoon ako, hindi ako madaling nagpapa-intimidate sa bad mood ng iba.

"Good morning, Boss! Kumain na po kayo!May nakahanda na pong almusal sa mesa," masiglang balik ko sa kanya.


Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang pinagmamasdan ako. Nakakailang minsan ang seryoso niyang mukha ngunit hindi 'yon nakabawas sa kaguwapohan niya. Bumaba ang tingin niya sa bitbit kong paper bag. Mabilis ko naman iyong itinago sa likuran ko.
Tumaas ang kilay niya.

"I asked you, where are you going?" ulit niya.

Nag-apuhap ako ng sasabihin.
"Ano...kuwan...ahm...punta muna ako ng ospital. Dadalawin ko si Poppsy."

"No."


Napatda ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Bakit ayaw niya akong payagang umalis?
Obsess yata sa akin ang lalaking 'to, ah.


"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.


"I'm going somewhere else and you need to come with me," patuloy niya.

Obsess talaga. Lagi gusto ako kasama. Mahirap 'to! Napamahal na agad ako sa kanya. Tsk!

"Puwede bang pass muna ako d'yan? Kailangan kong dalawin ang Poppsy ko, eh," pagdadahilan ko.


Binalewala niya ang sinabi ko at nilagpasan ako papuntang kusina. Sinundan ko siya. Dumeretso siya sa percolator at nagsalang ng kape. Tumigil ako sa likuran niya.


"Bossing, naman. Pagbigyan n'yo na ako. Ngayon lang 'to. Kailangan ko lang dalawin si Poppsy ko," nakikiusap na sabi ko.


Hinarap niya ako. Napaatras ako dahil hindi ko kinaya ang kakaibang kilabot na naramdaman nang magkalapit kami sa isa't isa. Ang lakas talaga ng dating ng lalaking 'to sa malapitan. Parang bagyo, ang lakas ng hagupit ng kanyang charisma. Para akong nakakita ng isang hollywood star habang nakatitig sa kanya.


Humalukipkip siya
"You were out yesterday and I have no idea where in the world you've been to. And now you want to go out again? Need I remind you that I am now your Boss?"


Napanguso ako. Naka-sermon mode na naman 'tong lalaking 'to.
"Kailangan ko bang magpaalam?"


Busy kasi siya kahapon. Paano ako magpapaalam? Siya nga 'tong ayaw lumabas ng Operating Room at kamustahin kami sa labas.


Naningkit na naman ang mga mata niya.
"Of course! For the record, I am your Boss. And as your Boss, you need to tell me your whereabouts. Remember that you are mine!"


Kinilabutan naman ako d'on. Napahawak ako sa dibdib ko.
You are mine. Ang bilis naman. Hindi mo pa nga ako nililigawan!

Umiling-iling ako upang iwaksi ang kalokohang naiisip ko. Nakakahiya ang tumatakbo sa isipan ko lately.

"Nagpapaalam na nga ako sa 'yo, diba?Hayaan mo lang akong madalaw si Poppsy ngayon. Tsaka...ano...ang mga paninda ko, kailangan kong ilako kundi mapapanis 'to!"



"So it's not really your father, it's your petty wares that you are really concern of,"
sarkastikong sabi niya.


"Hoy, hindi ah! Siyempre dadalawin ko si Poppsy ko. Alalang-alala kayo ako d'on. Saka na ako sa-side-line kapag natapos ko nang dalawin si Poppsy," pagtatama ko sa kanya.


Umismid siya.
"I'm the one who will tell you when is the right time to visit your father. And your little, funny business is the least of my concern."


Nainis na naman ako sa kamya. Ang dami pa niyang sinasabi, ayaw lang niya akong paglakuin ng mga paninda ko.


"Huwag ka ngang ganyan! Alam kong mayaman ka at kikitain ko sa mga paninda ko ay kakarampot lang kumpara sa sahod mo pero huwag mo naman akong pagbawalan. Magugutom ang mga kapatid ko!" pangongonsensiya ko sa kanya.


Humalukipkip siya sa harapan ko. "Your reverse psychology wont get in me. If you work with me, then you should not think of anything else but me. I should be on your top priority. Don't do anything that doesn't concern me. Do you understand that?"


Napakagat labi ako sa panggigigil. Makasarili talaga 'tong lalaking 'to!
"Eh, paano ang pamilya ko, aber? Sinong magtutustos sa pangangailangan nila? Matitiis mo bang magutom sila dahil inangkin mo na pati oras ng Ate nila?"


"You don't really expect me to give a damn, do you?"patuyang sagot niya.

Napatiimbagang ako.
"Ang sama talaga ng ugali mo!"

Nagsalubong ang mga kilay niya. Mukhang nagalit sa narinig.
"Oh, really? Then get out and don't you ever come back!"


Dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko upang pigilan din ang paghugalpos ng inis. Halimaw talaga ang lalaking 'to kahit kailan! Ang lupit!


"What are you waiting for? Get out!" pabulyaw niyang ulit.

Inis na ibinaba ko ang paper bag sa sahig.
"Fine! Anong oras ba tayo aalis at saan tayo pupunta?! Bilisan mo nang kumilos at nang manahimik ka na!" ganting bulyaw ko sa kanya.

Buwesit ka talaga! Sana barilin ka na ng mga gustong pumatay sa 'yo sa sama ng ugali mo!!!!

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon