Chapter 11

47.3K 1.1K 35
                                    

Achilles POV

"The patient has a pulse now," ani Dr. Leo habang pinapakinggan mula sa Stethoscope ang pintig ng puso ng matandang pasyente.

Lumapit rin ako at hinawakan ang pulso sa may leeg ng matanda, nagbalik na nga ang pulso. Bumalik na rin sa pagiging normal ang ritmo ng puso sa monitor ngunit mabagal pa rin ang pulso. In short, na-revived ang pasyente. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"The patient is in Return of Spontaneous Circulation. Get everything ready and send him directly to the Cath Lab now!" malakas na sigaw ko sa kanilang lahat.

Agad namang kumilos ang mga nurses at ibang doktor upang ihanda ang pasyente na i-transfer sa Catheterization Laboratory. Tinawagan ko na si Dr. Jacinto upang humalili sa matanda. The old man needs a cardiac catheterization upang ma-view sa computer ang sanhi ng biglang atake nito. May duda akong may bumarang cholesterol sa kanyang puso kaya siya nag-heart arrest o inatake sa puso.

Nakangiting nilapitan ako ni Dr. Leo saka kinamayan.
"Congrats! You made it again! Bilib na talaga ako sa 'yo, Dr. Achilles. How can you leave the hospital that needs you the most? We're going to collapse without the best cardio-thoracic surgeon in town!"

"Shut up, Dr. Leo," inis na anas ko sa kanya.


Napangiti siya. "What happened to you? You used to be so cool. Now you're becoming like your Big Bro!"

"Huwag mo akong itulad sa kanya, that man is heartless."

Natawa siya nang mahina. Hindi ko na siya pinansin at inabala ang sarili sa pagtitig sa monitor. Baka maging abnormal na naman kasi ang ritmo ng puso ng pasyente. May pumasok na isang nurse sa loob ng room at tumikhim sa tabi ko.

"Excuse me po, Dr. Achilles. Nagtatanong po ang pamilya ng pasyente sa labas sa kalagayan ng pasyente," anang nurse.

"They're here?"

"Opo. Nandito na po ang mga anak niya. Biyudo na po siya at wala ng asawa."

Tinanguan ko ang nurse.
"I'll talk to the folks, Dr. Leo. Take over while Dr. Jacinto's not yet here," paalam ko kay Dr. Leo.

"Noted!"

Agad akong sumunod sa nurse palabas ng Resuscitation Room. Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay nagtama ang mga mata namin ng babaeng isinusumpa ko. Ang pulis na humuli sa akin noong isang linggo! Naanariwa na naman ang galit sa puso ko. Involuntary response na yata iyon ng katawan ko kapag nakikita ang pagmumukha niya.

The heck is she doing here?


Mukhang nagulat din siya nang makita ako. Nanlalaki pa ang mga mata niya na tila nakakita ng multo. Naikuyom ko ang mga kamao. Gusto ko siyang bulyawan at ipakaladkad sa guard palabas. Contrary to what I planned to do, I remained calm. Akmang lalapitan ko siya nang humarang sa daanan ko ang dalagang anak ng pasyente kanina saka ako itinuro.


"Ate, siya 'yon! Siya ang nagligtas sa buhay ni Poppsy! Siya 'yong astig na doktor na sinasabi ko sa 'yo!" aniya sa pulis.

Kumunot ang noo ko. Ibinalik ko uli ang tingin sa pulis. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang napahiya dahil nag-iwas ng tingin sa akin. Hindi na siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Napaismid ako. Humalukipkip ako at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

Heart Arrest (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon