❤TTCC: 19❤

1.6K 21 0
                                    

Dylan's POV

"Bagsak ka?!" pasigaw kong tanong matapos naming magpractice. Nasa boys locker room lang kaming tatlo.

"Wag ka ngang maingay" mahinang sambit ni Kenneth. Kaming tatlo lang ang andito.

"Just answer me by yes or no, Kenneth. Bagsak ka?" tanong ko

"Yes! Yes! Bagsak ako" sagot niya. Kumunot naman ang noo ko

"And you're happy?" tanong ko

"Of course not" sagot niya

"Pano yan? Kailangan mong magpatutor?" tanong ko

"Oo nga eh. Tsaka, kinausap din ako ni dad at mom kahapon na magpapatutor ako. Eh wala na akong choice" sagot niya

"Ganyan rin ang sinabi ko sa kanya, kahapon. Ayaw na ayaw nyang magpatutor kaso, ang parents niya pa rin ang masusunod" singit ni Anthony

"Eh 3 months ang pagtutor mo. Kaya mo ba iyon?" tanong ko. Tumango naman sya

"Oo naman" sagot niya

"Okay lang sa'yo?" tanong ko

"Alam mo? Masyado kang maraming tanong. Can't you just shut up?" inis niyang tanong. Napatawa naman kaming dalawa ni Anthony

"Highblood lang, bro?" ngising tanong ni Anthony

"Chill ka lang, Kenneth" nakangising sambit ko "Dyan lang kayo, ah? Eh checheck ko lang muna si Dianne kung tapos na ba silang magpractice" dagdag ko. Inirapan naman ako ni Kenneth

"Hays! Hindi na ako magugulat kung bakit, parating may 'Dianne' na mababanggit sa pinag-uusapan natin" sabat ni Kenneth "Siguro, hindi ko na lang kayo kakausapin para hindi na mapunta yang word na 'Dianne' sa pag-uusapan natin" dagdag niya

"Woah! Bakit ang init ng ulo mo ngayon, Kenneth?" tanong ko

"Parati namang mainitin ang ulo niyan kapag narinig niya ang pangalan ni Dianne" sagot ni Anthony. Pinagkunutan lang kami ng noo ni Kenneth

"You know that I don't like her" sabi ni Kenneth kaya napangiti ako

"Remember, the more you hate...the more you love" sambit ni Anthony kaya napawi ang ngiti ako

'She loves Dianne?'

"Mahal mo si Dianne?" nagtatakang tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Kenneth

"Of course not. She's not my type, pare" sagot niya

"Pero bakit sinabi ni Anthony yon?" tanong ko

"Ang alin?" patanong nyang sagot

"Yung 'Remember, the more you hate...the more you love' word" sagot ko

"It's nothing" sagot niya tsaka kunot noong tumingin sa akin "Are you curious?" tanong niya. Umiling naman ako

"N-No" sagot ko. Tumawa lang si Anthony habang nagsusuot ng t-shirt

"Then why are you asking me that d*mn question?" tanong niya

"Walang malisya yon, Kenneth. Wag mong lagyan" sambit ko

"Yeah. I know you like her" sabi niya kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

'Alam nya?'

"W-Why did---" putol na sabi ko

"Halatang-halata ka na kasi, pare. You can't hide it from us" singit ni Anthony. Umiiling iling naman ako habang sila naman ay nag-aantay sa sasabihin ko

Oo, aaminin kong may gusto ako kay Dianne. The first time I saw her, my world became colorful. Iba sya sa mga babaeng nakikita ko. At humahanga din ako sa kanya. Dahil kahit babae sya, hindi sya takot sa mga bagay na kayang katakutan ng iba. Kahit isa kina Hazel ay hindi ko pinag-sabihan tungkol sa nararamdaman ko. Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkagusto ako.

Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon