Sorry sa late update, medyo malapit na kasi yung periodical exam namin kaya hindi ako masyadong nakapag-update.. sorry talaga...gagawa ako ng 5 chapters with in 3 days, promise ko yan sa inyo, guys! Ganon ko kayo ka mahal, eh!😂
-k a t h y e l l a f o r d
Dianne's POV
"Hey...okay ka lang?" tanong ni Dylan sakin. Tumango naman ako "Kanina ko pa kasi napapansin na parang may iniisip ka" dagdag niya habang nagmamaneho sya papunta sa eskwelahan. Oo, sinundo niya talaga ako sa bahay.
"Wala, hindi lang ako makapaniwala na um-oo si Hazel sa proposal ni Anthony sa kanya kahapon" sagot ko. Kumunot naman ang noo niya
"Alin don? Yung paghingi nya ng permisyon kay Hazel na ligawan siya?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Wow, huh? 'Hazel' na talaga yung tawag mo sa kanya, ah?" natatawang sambit ko.
"Yun ang gusto niyang itawag namin sa kanya, eh. Kaya, ayun" sambit niya.
"Pero seryoso. Ayoko lang kasing masaktan si Hazel. Alam mo na? Certified playboy si Anthony na isa sa mga manliligaw ni Hazel, baka mainlove si Hazel kay Anthony. Baka lokohin lang siya ni Anthony. Baka---" hindi ko natapos yung pagsasalita ko ng magsalita siya.
"Dianne, chill ka lang. You don't have to worry. Kaya nga nanliligaw pa si Anthony kay Hazel kasi he wants to prove his likeness to Hazel. Ganun lang yon" sabi niya. Sabagay, tama naman siya, eh. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Isang Anthony Salvador? Isang Certfied Playboy ay nagkagusto sa isang SSG President ng Student Council? Grabe! Si Anthony ang kinikilalang pinakamagaling sa pagpapaiyak ng mga babae. Paano kung gagawin niya yon kay Hazel? Paano kung niloloko niya lang pala ang kaibigan ko?
'Hayys! Nakakarinkles toh, ah'
*Ford University*
Inalalayan akong bumaba ni Dylan. Sabay kaming tumungo sa loob ng FU. Gusto kong kausapin si Hazel mamaya tungkol sa mga opinyon ko. Malay mo? Baka matauhan siya.
Mula rito hanggang sa makita ko si Anthony na papalapit kay Hazel sa may canteen. Eto na nga ba ang sinasabi ko! Pero kitang-kita sa mga ngiti ni Anthony na sobrang nasisiyahan siya. Tunay nga ba talagang gusto niya si Hazel o baka niloloko niya lang ito?
"Good morning, guys!" sigaw ni Dylan kaya napatingin saamin sina Hazel, pati na rin si Anthony.
"Good mood ka ata ngayon, Vice Pres.?" tanong ni Kaye.
"Oo, eh. Natapos ko na kasi lahat ng mga assignments natin" sagot niya tsaka niya ako tinapunan ng tingin.
"Wow, huh? Sipag mo, Vice Pres." sambit ni JP.
"Dylan na nga lang. Pinapahaba nyo pa yung itatawag nyo sakin, eh" wika ni Dylan
"Oo na, Dylan" sabay sabi nila JP at Kaye kaya natawa nalang ako. Binaling ko nalang ang atensyon ko kina Hazel at Anthony na kasalukuyang nag-uusap.
"Salamat nga pala sa matamis mong 'oo' kahapon, huh?" nakangiting ani ni Anthony "Sobrang pinasaya mo ko" dagdag niya. Umiiling-iling naman si Hazel.
"It's nothing. Tsaka, thank you na rin sa surprise, nagulat talaga ako" nakangiting sabi ni Hazel. Mukhang masaya naman si Hazel kay Anthony. Siguro itatago ko muna itong mga opinyon ko.
"Hoy, ateng? Okay ka lang ba?" ani ni JP. Kaya medyo natauhan ako. Tinanguan ko lang siya.
"Oo naman" sagot ko.
"Parang ang lalim ata ng iniisip mo? Anong meron?" tanong niya.
"Wala naman" sambit ko.
"Sure ka, ateng?" tanong niya. Tumango naman ako. "Sabi mo yan, ah?" dagdag niya
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...