Kenneth's POV
"M-Mahal" sambit niya habang nakatingin sakin
'A-Ako ba ang tinawag niyang mahal? Imposible! Hindi niya ako naaalala'
"Mahal" tawag niya ulit. Pansin kong, nakatingin silang lahat sakin. Bigla akong napatalon sa gulat ng may humawak sa braso ko. Agad akong napalingon sa nakangiting si Red
"Go. Puntahan mo siya" nakangiting sabi niya 'Seryoso ba sya?' "I'm serious"
Hindi na ako umangal pa. Nanginginig akong lumapit sa pwesto ni Dianne. Nakatingin lamang siya sakin. Akala ko sasampalin niya ako, pero dahan-dahan niyang inilagay ang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos ito.
Napapikit ako. I miss her touch. I miss this. Agad akong dumilat. Nakita kong nakangiti na siya sakin. Biglang nangingilid ang mga luha ko
'Gising na talaga siya!'
"I-I love you, mahal" naiiyak na sabi ni Dianne. Bigla akong natigilan sa sinabi niya
Tinuro ko ang sarili ko "A-Ako...ako ba ang kinakausap mo?" kabadong tanong ko. Di bale ng masaktan ako kapag hindi ako ang pinagsabihan niya ng ganun, gusto ko lang malaman kung sino ang kausap niya
Dahan-dahan siyang tumango "O-Oo naman" sagot niya "W-Wala bang...wala bang I love you too dyan?" nakangiting sabi niya. At doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko
"I love you too, mahal! Naaalala mo na ako?" nakangiting tanong ko. Napangiti naman siya. Dahan-dahan siyang tumango. Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ang labi niya sa harap nila. It was a passionate kiss. She kissed me back. Hindi ko maiwasang mapangiti sa gitna ng halik namin
'I'm the happiest man on earth!'
Agad akong humiwalay sa kanya ng malapit na akong maubusan ng hininga "I love you" sabi ko. Napangiti siya ulit bago niya dinampian ng halik ang labi ko. Ako naman ang mas napangiti ngayon. I miss her kiss. Kahit na isang beses lang kaming nagkahalikan nung nakidnap siya
"I love you too" sambit niya. Narinig kong humaguhol ang mga babae. Napatingin ako sa gawi ni Red na ngayoy lumalandas ang luha sa kanyang mukha. Agad niya akong nginitian.
"Mahal?" tawag ko kay Dianne
"Hmm?"
"Pwede ko bang kausapin si Red?" tanong ko. Napatingin siya kay Red. Biglang nawala ang ngiti sa labi niya.
"B-Bakit? Sasama ako" ani niya. Umiling naman ako
"Dito ka lang, mahal" sabi ko "Kailangan mong magpahinga" ani ko. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Sinabihan ko rin si Hazel na tawagan ang doctor dahil gising na si Dianne. Agad kong tinapik ang balikat ni Red, hudyat na gusto ko siyang sumunod sakin. Nakuha naman niya agad iyon kaya sumama siya sakin palabas. Pumunta kami sa garden.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin. Pareho kaming naka-upo sa bench kung saan, nakaharap sa isang fountain. Bigla akong nakonsensya. Hinalikan ko ang girlfriend niya sa harap niya mismo. Narinig niya ang mga katagang 'I love you' sa harap niya mismo. Kung ako man iyon, masasaktan ako
"Masaya ako para sa inyo" panimula niya. Hindi ko siya magawang tingnan. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakangiti siya. Mapait na ngiti
"Bakit ganito ka? Bakit mas inaalala mo pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo? Bakit sinasakripisyo mo ang pagmamahal mo para samin? Bakit binalewala mo lang na nasasaktan ka?" sunod-sunod kong tanong. Naramdaman kong napatingin siya sa gawi ko
"Dahil mahal ko si Dianne" sagot niya "Naging ganito ako dahil yun ang nararapat. Oo, girlfriend ko siya. Pero hindi ko maitatanggi na ikaw ang mahal niya. Mas lamang ka na kaysa sakin. Nagawa kong magsakripisyo para sa inyo dahil gusto kong maging masaya si Dianne. Dahil alam kong magiging masaya siya sa piling mo" paliwanag niya
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...