Dianne's POV
*Cofee Shop*
"Oy ate? Ang tagal mo ata?" tanong ni Jaye na ka workmate ko.
Eto ang trabaho ko simula nung namatay sina mama at papa. Eto na lang ang paraan para mabuhay ako. No choice eh, dapat makapag-tapos ako ng pag-aaral. Maaga kasi ako naulila, diba? Kaya lahat ng mga ka workmates ko dito, parang pamilya ko na rin.
"Pasensya na, na traffic eh" sagot ko. Pinunasan ko ang counter habang nasa gilid ko naman sya.
"Oh talaga? Eh kamusta yung unang araw mo?" tanong nya
"Hmm... Medyo okay naman" sagot ko
"Bakit medyo lang?" tanong nya
"Hayys! Mahabang kwento!" ani ko
"Tsk! Tinatamad ka lang mag-kwento eh" natatawang sabi nya "Oh eh may mga kaibigan ka na ba don? You know, minsan sa 1st day of class... New friends or Same friends!" dagdag nya
"Psh! May mga kaibigan naman ako don! New friends! Ang bait-bait nga nila eh! Biruin mo, dalawang SSG Officers ang naging kaibigan ko. Dalawang ordinary students naman ang ibang kaibigan ko. Tsaka yung SSG President nila, volleyball player din. Kinausap ko naman sya kung may bakante pa sila, and thank God, meron. Ang saya nga nilang kasama eh!" masayang sabi ko
"Oh eh mabuti na rin yan! Eh sino ba yang mga NEW friends mo?!" natatawang tanong ni Jaye
"Si HAZEL CORTES ang SSG President! Sya yung sinabi ko sayong isa sa mga volleyball player. Si DYLAN SCOTT naman ang SSG Vice President! Si KAYE SEUNG naman ang isa sa mga ordinary students na kaibigan rin nina Hazel. Half korean sya. At si JOSE PHILIPPE TUMULAK naman o JP ay bakla..." sagot ko
"Wow ate ah? Eh yung Dylan? Lalake ba yon?" tanong nya
'Lalaki nga ang pangalan eh! Malamang lalake sya'
"Oo naman! May nakilala ka bang babae na Dylan ang pangalan?" natatawang tanong ko
"Wala! Ano ate? Gwapo ba? Maputi? Mabait?" tanong nya
"All of the above" nakangiting sagot ko
"Wow ate huh?! Swerte mo ah!" sabi nya
"Hmmm..di naman" pailing na sagot ko.
Nagpatuloy lang ako sa pagtatrabaho. Ilang butil ng pawis na ang tumulo galing sa noo ko pero tiniis ko pa rin.
'Wala na akong choice eh'
Balik doon, balik dito. Hatid doon, hatid dito. Nakakapagod pero kakayanin ko. Dalawang taon ng ganito ang buhay ko. Nung hindi pa nag-simula ang pasukan, wholeday ako dito. 9:00am to 6:0pm. Pero ngayong pasukan na naman, 9:00pm to 11:00pm na lang.
Tsaka sabi ni Coach kanina, simula next week... May practice na kami sa umaga before ang first class at tsaka sa dismissal. 1 hour practice lang yon. Kaya at exactly 5:30pm, uuwi na ako sa bahay kasi 4:30pm ang dismissal namin.
Tapos kapag may projects or assignments pa kami, kailangan pag uwi ko todo gawa agad sa mga assignments at projects. Tapos gigising ng 7:30am kasi 9:00am ang klase hanggang 4:30pm.
'Hayys! Magiging mahirap ang schedule ko simula next week'
Hindi katulad nung nasa S.U. pa ako, 1:00pm to 7:00pm kasi yung klase ko tapos magtatrabaho ako every schooldays at 9:00am to 11:00am tsaka 9:00pm to 11:00pm.
*Kinabukasan*
"Good morning, Philippines!!!!" bati ni JP ng makasalubong ko sya. Tapos na ang flag ceremony namin.
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...