Kenneth's POV
*Canteen*
Mula rito sa kinauupuan ko, tanaw na tanaw ko si Dianne na kasalukuyang nakipag-usap kay Pres. Hazel. Batid kong napakaseryoso ng usapan nila. Magkalapit silang magka-usap na parang sila lang ang nakakarinig. Nakakunot ang noo ni Dianne habang nakikinig sa mga sinasabi ni Pres... Malayo ang table namin sa kanila kaya hindi nya ako makikita.
Nakita ko rin si Chloe na kasama si Danny. Nag-uusap din sila pero panay ang pagngiti nila tuwing may babanggitin sila sa isa't isa. Tanaw na tanaw ko rin si VP Dylan at Anthony na kasalukuyang pumila. Mas naunang pumila si VP Dylan at kasunod naman non si Anthony.
Binalik ko ang paningin ko kay Dianne na kasalukuyang nag-iisip. Nakakunot pa rin ang noo nya. Hindi ko maisip kung ganon na ba talaga kalalim ang pinag-usapan nilang dalawa ni Pres. para lalong kumunot ang noo nya.
Agad naman akong napatalon sa gulat ng tumama ang paningin niya sakin. Nilabanan ko ang mga tingin nya hanggang sa ako na lang ang umiwas. Hindi ko malaman kong anong ekspresyon sa mga mata nya dahil iniwas ko rin agad ang tingin ko sa kanya.
Ewan ko ba, pero kapag nakatingin sya sakin... pakiramdam ko, matutunaw na ako. Basta ang alam ko, hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya.
Agad namang nabaling kay VP Dylan ang atensyon ko na kasalukuyang nagdala ng tray at inilapag ang mga in-order nito sa table nila. Tinignan ko ulit si Dianne. This time, hindi na sya nakatingin sakin. Diretso ang paningin nya sa kung saan na ultimong ang lalim ng iniisip.
Nabalitaan ko rin kanina na pinagtanggol ni VP Dylan si Dianne tungkol sa mga bulong-bulongan. Ang nakakatawa lang, bakit ganon na lang ang inis ni VP Dylan sa mga babaeng nagbulong-bulongan tungkol kay Dianne? Tsk! Baka type nya yon? Psh! Wala syang taste. Kahit kailan yang si Scott. Kaya nga wala pa yang girlfriend kasi walang taste.
"Oh, bro? Baka matunaw nyan si Dianne, ah?" singit ni Anthony. Agad naman nanlaki ang mga mata ko.
"A-Ano? D-Di ah" nauutal kong sagot. Nginisian nya ako tsaka nilapag ang mga pagkain sa mesa.
"Talaga lang, ah? Eh kitang-kita ko nga yung pagtitig mo eh" nanunukso nyang wika
'Ang tanga mo kasi, Kenneth! Nahuli ka tuloy!'
"Alam mo? Yang nakita mo, it's nothing! Just forget about it" lakas loob kong sambit. Sumubo ako ng pagkain. Bahagya pa syang napatawa
"It's nothing? And you want me to forget what I saw earlier? Hahahaha! Are you okay, bro? Kinakabahan kang mabuking ka noh?" nanunuksong tanong nya. Tinignan ko sya ng masama
"If you're thinking that I'm attracted to her, you're wrong!" inis kong sagot
"What? I didn't say anything like that." natatawang sambit nya
"Kaya nga if you're thinking ang sinabi ko!" inis kong sambit
"Hahahaha! I know that you're guilty kaya ka naiinis ng ganyan. Hahahaha! Don't deny it, bro!" natatawa nya pang wika. Bahagya namang kumunot ang noo ko
"Deny what?" tanong ko
"That you're attracted to her" mahinahon nyang sagot
'Attracted? I won't let that happen'
"You know me, bro! That's not my taste. She's not my type." sabi ko tsaka sumubo ulit ng pagkain
"Oo nga! Pero sa nakikita ko kanina, maybe iba na ang type mo ngayon" sambit nya
"Look, I'm not attracted to her. I'm not intrested to her. Nasagip lang na mata ko si Dianne kasi dahil na rin sa nabalitaan ko" sagot ko
"Dun sa pinagtanggol sya ni Vice Pres.?" tanong nya. Tumango naman ako
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanfictionA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...