In just 6 days, kumita ang THOU ng 400M! Wow! Grabe! May mga jowa nga dawng nagkabalikan dahil sa THOU (The Hows Of Us). May mga nakakarelate. Kaya panoorin nyo na! Hindi kayo magsisisi. THE HOWS OF US, now showing on it's 2nd week over 405 cinemas nationwide❤
-k a t h y e l l a f o r d
Dianne's POV
*Kinabukasan*
"Babe?" tanong ko sabay tulo ng mga luha ko. Bigla naman syang sumulpot sa gilid ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa nakita ko. Isang dinner with matching designs. May dala-dala siyang bulaklak
"Happy Birthday, babe" sambit niya sabay halik sa pisngi ko tsaka nya ito pinunasan. Nginitian ko naman siya
"Thanks"
"Why are you crying? Hindi mo ba nagustuhan yung surprise ko?" medyo malungkot na tanong niya. Umiling naman ako tsaka ko siya niyakap
"No. I'm just happy. Hindi ko aakalain na susurpresahin mo ko. Akala ko nakalimutan mo na yung birthday ko" naiiyak na sabi ko. Humalakhak naman siya tsaka nya ako niyakap pabalik
"Pwede ba yon? Sa sobrang mahal kita, makakalimutan ko kaya yung birthday mo?" natatawang sabi niya. Hinarap ko naman siya
"Ikaw kasi! Text ako ng text sa'yo pero hindi ka naman nagrereply. Akala ko nakalimutan mo na talaga yung birthday ko. Tapos nung tumawag ako sa'yo, mga 10 seconds lang tayong nagkausap kasi ang sabi mo, busy ka"
"Sorry, babe. Hinanda ko kasi toh" sambit niya.
"Thank you, babe. Sobrang pinasaya mo ako. I love you" mahinang sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko
"I love you too, babe"
Napabangon ako sa sobrang hingal na hingal at pawis. Yun na naman? Ano bang meron sa dalawang magkasintahanna yon?
Tinignan ko ang wall clock, 5:46am. Agad naman akong pumasok sa banyo at binalewala yung napanaginipan ko. Ano bang mapapala ko sa panaginip na yon? Pero sino ba kasi yong lalakeng parati kong napapanaginipan?
*Ford University*
Nakasuot lang ako ng t-shirt tsaka jogging pants. Hindi pa naman magstastart agad ang game. Kitang-kita ko mula dito sina JP at Hazel.
"BAKLA!" sigaw ko. Agad naman silang napatingin sa gawi ko. Napangiti ako ng makita silang nakangiti sakin
"Hi, ateng!" bati ni JP sakin.
"Ang aga natin, ah?" tanong ni Kaye. Actually, wala pa si Dylan.
"Hahaha! Hindi naman. Ang sabi kasi ni Hazel, magkikita muna kaming mga athletes dito kaya maaga akong pumunta rito kasi maaga rin akong nagising, eh" sagot ko
"Well, that's great" singit ni Hazel. Medyo marami-rami na ang mga tao.
Ang uniform ng mga athletes sa FU ay kulay dilaw. Yung mga students na sasama saamin sa STIS, na hindi athletes, nagsusuot sila ng dilaw plain t-shirt to represent na taga FU sila. Sa BU naman ay kulay berde habang ang PU naman ay kulay asul. Sa MU naman ay kulay pula tsaka ang STIS ay kulay dalandan.
"Morning!" bulong ni Dylan sa tenga ko kaya medyo napatalon ako.
"Wag ka namang manggulat ng ganon, Dylan" sabay hawak sa dibdib ko. Tumawa lang siya
'May nakakatawa bah?'
"Hahaha! Sorry! Saan pala kayo?" tanong nya samin
"Dito lang, inaantay ang signal ni Dean" sagot ni Hazel.
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanfictionA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...