Dianne's POV
Napamulat ako ng may narinig akong tumatawa. Inikot ko ang ulo ko upang alamin kung sino ang tumatawa. Nasa isang di pamilyar na lugar ako. Madilim pero nakatapat sakin ang ilaw. Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatali ang kamay ko, ang paa ko at ang tiyan ko sa upuan. Sinubukan kong kumilos ngunit hindi ako makawala. Masyadong mahigpit ang pagkatali ng lubid sakin. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyare at kung paano ako napunta dito
'Sh*t! Charles Hernandez!'
"Owh, gising ka na pala mahal na reyna" nakangising sabi ni Charles habang nilalaro ang baril sa kanyang kanang kamay.
"Demonyo ka! Anong ibig sabihin nito?!" galit kong tanong. Pilit akong kumawala sa lubid na nakatali sakin ngunit hindi pa rin ito natatanggal. Bahagya pa siyang tumawa. A devil laugh "Alam mo?! Pareho lang kayo ng kapatid mo! Mga demonyo kayo! Alam ba toh ng mga magulang mo?! Alam ba nila ang ginagawa mo?! Alam mo ba na makakasira sa pangalan nila ng ginagawa mo?!" dagdag ko
Tumawa siya ng mas malakas "Siyempre alam nila toh, sila nga ang may pakana nito" nakangising sagot niya. Hindi na ako nagulat ng sumagot siya ng ganon. Simula nung nakilala ko si Hazel, ikinuwento niya sakin ang mga kademonyohan ng mga Hernandez.
"Sinasabi ko na nga ba! May balak kayong pabagsakin ang FU! Alam na alam ko lahat ng iyan, Charles!" ani ko. Lumuhod siya sa harap ko para magkalevel ang tingin naman
"Actually, hindi lang ang FU ang gusto naming pabagsakin. Pati pamilya mo at ang pamilya ng pinakamamahal mong si Kenneth" nakangising demonyo niyang sabi. Tinadyakan ko ang paa niya ngunit napatawa lang siya
"Hayop ka! Pakawalan mo ako dito! Isusumbong kita sa mga pulis! Ano bang ginawa namin sa'yo huh?! Bakit nadamay ang pamilya ko at ang pamilya ni Kenneth dito?! Bakit niyo ba ito ginagawa?! Papatayin niyo rin ba kami tulad ng pagpatay niyo sa ama ni Red?!" galit kong tanong. Gusto ko siyang patayin ngayon mismo. Gusto kong saksakin ang baliw na lalaking toh
"Woah. Woah. Easy there, Dianne. Just wait. Darating din tayo diyan. Masasagot mo lahat ng mga tanong mo mamaya" wika niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata
"Bakit hindi na lang ngayon?! I want to know the reason why are you doing this! I want to know why! I can't wait!" sigaw ko. Medyo lumambing ang itsura niya. Hinawakan niya pa ang pisngi ko kaya napaiwas ako. He laughed like a devil
"Atat na atat? Siguro guguho ang mundo mo kapag nalaman mo ang mga plano namin. Kailangan mo lang maghintay" ani niya. "Kung makasigaw ka sakin, parang wala kang utang na loob sakin" nakangiting sabi niya. Hinawakan niya pa ang buhok ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko.
"What?! Me?! Magkakaroon ng utang na loob sa'yo?! Never!" galit kong sigaw.
"That's what you think but nangyare na iyon"
Pinanliitan ko siya ng mata. Wala akong ibang ekspresyon kundi galit. Galit ako sa mga Hernandez kung bakit nila ito ginawa. Hindi na ako magdadalawang isip na kasabwat si Chloe dito. Kaya pala inimbita kami ni Danny sa birthday party niya dahil may plano silang ganito
"Remember the time you almost raped by a jeepney driver?" panimula niya.
'Yes! I can't forget that time! That driver is drunk kaya sinubukan niya akong pagsamantalahan'
"Ikaw ang driver na iyon?!"
He chuckled "Of course not. I'm the one who saved you" nakangiting sabi niya
(A/N: Please go back to Chapter 46 if naguguluhan kayo sa sinabi ni Charles. Ito ang bangungot ni Dianne)
Flashback.....
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
FanficA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...