Merry Christmas, tutors!
-k a t h y e l l a f o r d
Kenneth's POV
"Yieee! Good morning everyone!" nakangiting bati ni Chloe samin habang kaming lahat dito, kumakain na ng umagahan
"Morning" bati ko pabalik. She just smiled. Umupo siya sa tabi ko. Bale, pinaggitnaan nila ako ni Dianne. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano umirap si Dianne bago nagpatuloy sa pagkain. Wala sa momento akong napangisi
"What's up, Chloe? Ang tagal mo atang nagising?" tanong ni Kaye na nasa harap ko. Kumuha muna ng kanin si Chloe bago siya tumingin kay Kaye
"Nagvideo call lang kami ni Danny kahapon. Medyo mahaba-haba ang pinag-uusapan namin kaya matagal akong natulog" sagot nito bago sinimulan ang pagkain.
"Oh, yeah? I heard that she has a birthday party this upcoming saturday and we're invited" ani Dylan kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nagkatinginan kami ni Chloe. I know what she's thinking
"Yeah. I heard it, too" sabi ni Anthony katabi si Hazel
"Y-Yep. S-She's inviting us" sagot ni Chloe bago ako sinulyapan ng tingin. Chloe told me na dyan ang unang hakbang ng mga Hernandez. Gusto ko sanang wag silang pumunta but Chloe insisted na kailangan naming pumunta dahil baka maghinala ang pamilya niya. Hernandez' are smart people. Hindi sila madaling paikutin kaya mas minabuti namin na pag-aralan ang plano namin.
"My family, too. I heard that my mama and papa are going to her birthday party" singit ni Dianne sa gilid ko kaya napatingin kami sa kanya. I wish I could change the plan na sana, wag na lang silang papuntahin doon. I wish I could change everything
"Great!" sambit ni Hazel bago bumaling sakin "Ikaw, Kenneth? I know na inimbitahan din nila kayo" she asked. Of course, we're invited. Maliban sa mga Hernandez, ang mga Baguio ang isa sa mga sponsors namin sa FU
"Yeah"
"So? Are you going?" tanong ni Kaye. All eyes are on me. Even Dianne and Chloe
'As if I have a choice' Dahan-dahan akong tumango "Of course" sagot ko tsaka ko tinapunan ng tingin si Chloe na kasalukuyan akong pinanlakihan ng mga mata
"Good! We're all coming!" masayang sabi ni JP. After we ate breakfast, we decided to visit my favorite island here. I named in YN island when I was a little. Actually, si daddy ang nagtanong sakin kung ano ang gusto kong ipangalan sa island na yun. I answered him 'YN'. At first, naguguluhan siya kung bakit yan ang ipinangalan ko but how many days ceme, pinabayaan niya na lang ako.
Walang ibang tao doon. Wala ring pwedeng mamasyal doon except sa amin. Meron din namang pumupuntang mga staffs doon to clean that place. Sumakay kami nina Dianne, Chloe, and JP sa iisang bangka while sina Hazel, Anthony, Kaye, at Dylan naman sa pangalawang bangka
I remember the times nung huli akong pumunta dito sa Cebu. That was the time nung magkaaway pa kami ni Dianne. That was also the time when she first call me 'manyak' after she took her bath. Medyo natawa ako sa mukha niyang iyon dahil it's too panicky.
After a half of an hour, nakarating din kami sa YN island. Doon sa isang resthouse kami magpapalipas ng gabi. Well, it's the third day today kaya dapat, wala kaming papalampasing moment para mag-enjoy.
Inilahad ko ang aking kamay para kay Dianne. Tinanggap niya naman ito before giving me a smile as a sign of thank you. Napangiti din ako. 'She's doing better now' Kinuha ko ang mga gamit naming dalawa at dinala ito papasok sa rest house. Tinulungan din kami ng mga staffs doon para kunin ang mga gamit namin. It's so very early. Nagbihis ako ng plain white t-shirt at kaki shorts bago ako lumabas ng rest house.
BINABASA MO ANG
Tutoring The Campus Crush (Campus Crush Series #1)
Fiksi PenggemarA 17 year old smiley girl named DIANNE GARCIA with a thoughtful heart is the daughter of DIANNA and DRAKE GARCIA. Her parents died because of a car accident 2 years ago. Dianne is a transferee student in FORD UNIVERSITY, the University where she fir...